Sapnu: Basag-kotse gang patuloy ang operasyon

HALOS mahigit isang buwan na rin walang naire-report insidente ng Basag Kotse sa Central Luzon.

Ngunit nitong nakaraang buwan bago ang Bagong Taon, isa na naman behikulo ang biniktima ng mga kawatan.

Sa report ng Pulisya, noong December 30, ipinarada ni Jeremias Viray Paras, 55, ang kanyang Toyota Fortuner (SUV) (APA-1810) sa kahabaan ng Barangay Poblacion 2, Marilao, Bulacan. Dakong 6:40 ng umaga nang ipinarada ni Paras ang nasabing behikulo.

Nang balikan nito ang kanyang SUV laking gulat nito nang madiskubre nito ang kanan bintana basag na.

Ang mga nasa loob ng SUV kagaya ng dalawang Samsung cellphone, isang wallet naglalaman ng iba’t ibang credit cards, ATM cars at LTO driver’s license at identification cards ay nawawala na.

Maging iyong P20, 000 ni Paras ay natangay din ng mga miyembro ng Basag Kotse gang.

Inireport kaagad naman ni Paras sa Marilao Police ngunit hindi na nahuli ang mga suspek.

Inaalam pa ng Marilao Police kung mayroon CCTV camera sa nasabing pinangyarihan ng insidente para matukoy kaagad ang mga suspek.

Maging sa Metro Manila ay mayroon na rin Basag Kotse gang dahil may naging biktima din doon.

Kaya naman pinapayuhan ni Chief Superintendent Joel Coronel, Police Regional Office-Central Luzon acting director ang mga kababayan natin na kung maaari wag mag-iwan ng mahahalagang bagay sa loob ng kanilang sasakyan.

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph