Sapnu: Rekomendasyon ni RD Coronel nabalewala?

NITONG Lunes marami nangyaring di inaasahan pagbalasa sa mga Senior Superintendents sa Central Luzon.

Biglaang ang ginawang pagbalasa ni Chief Superintendent Joel “Jigs” Coronel, Police Regional Office Central Luzon (PRO3) director.

Maraming nagulat na mga police officer sa biglaang pagbalasa sa hanay ng mga City police director at Provincial police director.

Karamihan sa mga Senior Superintendent ay nagkanya-kanya ng lakad upang makuha ang Tarlac Police Provincial Office.

Nagkaroon din ng short list sa Tarlac Police Provincial Office na kung saan kasama sina Senior Superintendent Oscar Jacildo, chief ng Regional Police Community Relations Office; Roberto Alanas ng PRO-7 at isang Gayo ng PRO-1.

Nagsumite ng short list ang PNP kay Tarlac Governor Susan Yap at nangunguna si Jacildo.

Napag-alaman ng Dateline na nirekomenda ni Coronel si Jacildo para pumalit kay Senior Superintendent Ritchie Posadas ng Tarlac Police provincial director na kung saan dalawang taon na siya doon.

Noong Lunes, alam na ni Jacildo na siya ang pansamantalang magiging Officer-In-Charge ng Tarlac Police Provincial Office, kaya naman nagulat ito ng iba ang dumating na “order” mula sa PNP headquarters Camp Crame.

Si Senior Superintendent Jesus Rebua, chief ng Regional Operations and Plans Division ang laman ng “order.”

Mukhang nabalewala ang rekomendasyon ni Coronel kay Jacildo sa nasabing Provincial Office.

Mukhang hindi pinansin ng PNP headquarters ang rekomendasyon ni Coronel??? Nagtatanong lang po.

Kung tutuusin wala ang pangalan ni Rebua sa short list at bakit siya ang napili ng Camp Crame? Nagtatanong lang po.

Sino kaya ang malakas na backer ni Rebua dahil sa kabila na hindi siya kamasa sa short list siya pa ang naupong Tarlac Police Provincial Office? Ito po ang malaking katanungan.

Hindi na yata nasusunod ang proseso sa pagpili o sa pag-upo ng mga provincial o city police director?

Para naman hindi maghinakit ang mga Senior Superintent, mas maganda huwag ng magbigay ng short list.

Sang-ayon sa mga police officer, sana naman daw pinaglaban ni Coronel ang kanyang rekomendasyon.

*****

Binabati ng Dateline ang bagong talagang Pampanga police provincial office at Angeles City police director.

Si Senior Superintendent Narvin Mangune ang itinatalagang Angeles City police director.

Si Senior Superintendent Jean Fajardo ang itinalagang Pampanga Police provincial director.

Si Mangune ang dating chief ng Regional Personnel Human Resource and Development Division at si Fajardo ang dating chief ng Regional Intelligence Division.

Sa inyong dalawa, congrats.

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph