Sapnu: 16 na hepe sa Central Luzon sisibakin?

DAHIL election period na, 16 na mga hepe ang sisibakin sa kanilang puwesto.

Sang-ayon kay Chief Superintendent Joel Coronel, Police Regional Office (PRO)-Central Luzon, 16 mga hepe ang kasama sa reshuffle nitong buwan.

Ang nasabing reshuffle ay bahagi ng preparasyon ng PRO-Central Luzon sa nalalapit na eleksyon ng mga national at local.

Ang tatamaan ng reshuffle ay iyong mayroon na dalawang taon sa kanilang puwesto at iyong iba naman ay dahil sa kanilang “underperformance.”

Kabilang sa mga masisisbak na mga hepe ay siyam sa Nueva Ecija, isa sa Bataan, dalawa sa Bulacan at apat sa Zambales.

Buti na lamang wala nasamang chief of police sa Pampanga at Tarlac. Baka maganda ang “performance” ng mga hepe sa nabanggit na dalawang lalawigan.

Sang-ayon kay Coronel ang iba sa mga masisibak dahil natapos na ang kanilang two-year term as Chief of Police.

Ito pa lamang ang simula sa ginagawang reshuffle ng PRO-Central Luzon at maaaring may kasunod pang iba.

Matatandaan, dalawang provincial police director ang na reshuffle kabilang na ang Pampanga, Tarlac at isa city director ng Angeles City.

Si Senior Superintendent Jean Fajardo sa Pampanga, sa Tarlac si Senior Superintendent Jesus Rebua at si Senior Superintendent Narvin Mangune sa Angeles City police.

Abangan po natin ang maaaring gagawin na reshuffle ni Coronel...

*****

Mga bagong upong staff sa PRO-Central Luzon

Si Senior Superintendent Jonas Amparo ang bagong upong Regional Operations and Plans Division; Superintendent Rommel Batangan ang Regional Personnel Human Resource Development Division; at si Superintendent Amante Daro ang Regional Intelligence Division.

Sirs congrats sa inyong bagong puwesto!

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph