Sapnu: Grabeng trapik sa CSF?

ANG grabeng trapik na nararanasan ng mga motorista sa City of San Fernando ay nagiging katulad na rin sa Metro Manila.

Ito ang obserbasyon ng mga kababayan nating motorisst sa lungsod dahil kahit saan sila magdaan ay grabeng trapik ang kanilang nararanasan.

Lalo nagiging grabe ang sitwasyon ng trapik tuwing pagpasok ng mga mag-aaral at empleyado/empleyado sa kani-kanilang paaralan at tanggapan.

Mas grabe trapik ang mararanasan sa araw ng Lunes, ayon sa mga motorists.

Sa pagpasok ng umaga, nagkabuhol-buhol na ang mga motorista sa may traffic light sa Barangay Del Rosario.

At maging sa Barangay Sindalan na kung saan kay haba-haba ng trapik sa may traffic light doon.

Malimit pa nito ang changing ng mga traffic light ay isang minuto lang kaya naman ang mga motorista lalong ng mga pampasaherong jeep ay nakikipag-unahan para makalusot.

Ito pa ang nagiging dahilan ng away ng mga drayber dahil sa pakikipag-unahan makalampas sa mga traffic light.

Maging sa Barangay Sto. Rosario (centro ng lungsod), nagkakaroon din ng grabe trapik dahil sa mga nakaparadang private vehicle sa gilid ng mga establistamento.

At take note, malimit ang mga private vehicle na ito ay double parking pa at hindi man lang sinisita ng mga traffic enforcer. Bakit kaya? Ano ba ang mayroon? Nagtatanong lang po...

Maging sa gilid ng Pampanga Restaurant, naging terminal (sakayan) ng mga pampaserong jeep na may rutang Angeles City na kung saan naging dahilan din ng trapik.

Buti pa noon hindi pa ginawang terminal (sakayan) medyo maluwag ang trapik.

Bakit kaya ibinalik ang terminal/sakayan ng mga pasahero dito? Nagtatanong lang po... Ano ba mayroon doon? Nagtatanong lang po...

*****

Sina Superintendent Joyce Patrick Sangalang at Superintendent Noel Fermin ay na-promote bilang Senior Superintendent kamakailan.

Si Sangalang ay kasalukuyang nakatalaga bilang Regional Mobile Force Battalion director samantalang si Fermin ang chief ng Regional Comptrollership and Plans Division.

Sirs...congrats!

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph