SECTIONS
Saturday, February 23, 2019
PAMPANGA

Sapnu: Naglipanang parang kabute ang mga e-trike

DATELINE: Olivas

MUKHANG talo na ang mga motorized tricycles, passenger jeeps, tri-wheeler at kalesa.

Ito’y dahil sa paglipana ng mga E-Trike (Racal) sa City of San Fernando na kung saan ginawang pampasada ito.

Noong araw ay iilan lamang ang makikita mong mga E-trike sa loob ng kabisera ng lungsod nguni’t ngayon parang kabute itong naglipana.

Dati ang mga ito pumapasada lamang sa loob ng subdivision o sa barangay, ayon sa mga motorists.

Kasalukuyan ang mga ito ay pumapasada at dumadaan sa kahabaan ng MacArthur Highway at umaabot pa hanggang Barangay Sindalan o lampas pa dito.

Ang mga E-trike drayber ay nagsasakay ng lima o higit pa pasahero patungo sa iba’t ibang barangay ng lungsod.

Hindi lang sa umaga pumapasada ang mga ito dahil ang Dateline nakakakita pa rin bumabagtas sa kahabaan ng MacArthur highway patungong Sindalan.

Sa gabi, karamihan sa kanila ay walang tail light at mahirap makita ng ilang motorista.

Kung minsan ay nakikipag-karera pa ang ito sa mga pampasaherong jeep o dili sa mga motorized tricycle.

Di ba bawal bumagtas sa mga highway ang mga E-trike dahil tatlo ang gulong nito at maging ang mga motorized tricycles? Nagtatanong lang po...

Ang masaklap nito ang mga drayber ng E-trike pawang walang driver’s license at mga pasahero nito ay walang “insurance.”

Hinhintayin pa ba natin may mangyaring aksidente sa mga E-trike at maraming madadamay? Nagtatanong lang po.

Mayor, ano po ba aksyon ninyo dito sa mga naglipanang parang kabute E-trike? Nagtatanong lang po.

Maging ang traffic enforcer authorities walang ginagawa sa mga pumasadang E-trike?

Abangan po natin ang aksyon ni mayor at traffic enforcer authorities.

***

Binabati ng Dateline ang bagong dalawang promoted an senior superintendent na sina Sr. Supt. Joyce Patrick Sanglang at Sr. Supt. Noel Marcos Fermin.

Congrats, sirs!


VIEW COMMENTS
DISCLAIMER:

SunStar website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not necessarily reflect the views of the SunStar management and its affiliates. SunStar reserves the right to delete, reproduce or modify comments posted here without notice. Posts that are inappropriate will automatically be deleted.


Forum rules:

Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the discussion. Be coherent. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!