Sapnu: Heightened alert?

ISINALALIM sa heightened alert ang buong Philippine National Police (PNP) sa bansa simula noong Lunes, Enero 28.

Ito’y dahil sa nangyaring pagsabog sa Jolo church noong Linggo na kung saan umaabot sa 20 katao ang namatay at 100 ang nasugatan.

Dalawang pagsabog ang naganap noon isa sa loob ng simbahan at ang isa sa labas naman nito.

Kaya naman marami ang namatay at nasugatan sa twin explosion sa Jolo Sulu na kung saan inako umano ng Isis, ayon sa mga otoridad.

Ipinahayag ni Chief PNP Director General Oscar Albayalde ang nasabing Heightened Alert pagkatapos ng nasabing pagsabog.

Inatasan din ni Albayalde ang lahat ng Regional Police Director sa bansa na isailalim ang kanilang area of jurisdiction upang matiyak na walang mangyaring kaharasan sa kanilang nasasakupan.

Si Guillermo Eleazar, National Capital Regional Police Office (NCRPO) director, ay agaran din nito isinailalim sa heightened alert ang lahat ng kanyang police offices.

At si Chief Superintendent Joel Coronel, Police Regional Office (PRO)-Central Luzon director ay kanya din isinalalim sa heightened alert ang police sa rehiyon.

Inatasan ni Coronel ang lahat ng kanyang mga provincial at city police director na maging alerto at imonitor ang kanilang area of jurisdiction.

Kanyang inatasan ang mga Provincial at City police director na magsagawa ng checkpoint sa mga strategic area ng kanilang nasasakupan.

Ito ay upang walang makalusot na lawless elements sa kanilang area of responsibility.

Inatasan din ni Coronel na maging mahigpit sa umiiral na gun ban sa bansa.

Hindi naman ipinahayag ni Albayalde kung kailan matatapos ang heightened alert?

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph