PAMPANGA

Sapnu: Oplan Katok epektibo ba?

DATELINE: Olivas

SA MGA isinagawang Oplan Katok ng Pampanga Police, umaabot na sa 202 iba’t ibang uri ng mga baril ang sinurender o nakumpiska sa mga may-ari ng mga baril.

Karamihan sa mga ito ay paso na ang lisensya ng mga baril at kaya naman kinuha ito ng Police upang i-renew ang mga ito, ayon kay Senior Superintendent Jean Fajardo, Pampanga police acting provincial director.

Ang mga sinurender o nakumpiskang mga baril ay pansamantalang inilagad sa Pampanga Police at ang mga ito ay ibibigay ulit sa mga may-ari kapag na-renewed na ang kanilang lisensya, ayon pa kay Fajardo.

Noong nakaraang Miyerkules, ipinirisinta ni Fajardo sa Media personalities ang mga baril na ang tawag nila ay loose firearms.

Sang-ayon kay Fajardo, ang Oplan Katok ay programa ng PNP upang bisitahin sa kanilang bahay ang mga may-ari baril na paso na ang lisensya at kanilang kukumpiskahin.

Isosoli naman sa kanila kapag na renewed na ang mga lisensya nito, pahayag pa ni Fajardo.

Kabilang sa mga narekober na loose firearms ay 104 pistols, 18 revolvers, .22 rifles, 26 shotguns, isang lightweight firearm, at dalawang gun barrels.

Paano naman ang mga baril na ginagamit ng mga kriminal saan ito hahapin? Siyempre ang mga ito ay pawang di lisensyado. Nagtatanong lang po...

Ito ang dapat kumpiskahin ng PNP kung paano at kung saan. Iyon ang malaki nilang problema. Di po ba?


VIEW COMMENTS
DISCLAIMER:

SunStar website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not necessarily reflect the views of the SunStar management and its affiliates. SunStar reserves the right to delete, reproduce or modify comments posted here without notice. Posts that are inappropriate will automatically be deleted.


Forum rules:

Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the discussion. Be coherent. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!

sunstar.com.ph