Sapnu: Areas of concern sa eleksyon

SA CENTRAL LUZON wala naman mga lalawigan, lungsod at bayan ang nasa hot spots nitong eleksyon.

Ito ang ipinahayag ni Senior Superintendent Ronaldo Llanera, Police Regional Office III (PRO3) deputy director for operations sa Dateline.

Ang maaaring isailalim sa areas of concern ay mga ilang mga bayan sa Central Luzon, ayon kay Llanera.

Karamihan sa areas of concern ay nasa lalawigan ng Nueva Ecija na kung saan tuwing eleksyon ilang bayan doon ay mayroon election related incidents.

Mayroon din ilang bayan sa Bulacan na areas of concern, ayon sa Pulisya.

Sa Pampanga na kung saan palagi naman tahimik ang eleksyon ay mayroon tinitignan ang Philippine National Police (PNP) na isang bayan na maaaring isasalalim sa areas of concern.

Ito’y umano mayroon armed group sa naturang bayan na kung saan maaaring magkaroon ng harassment sa mga tumatakbo.

Sang-ayon kay Llanera, pinagbabatayan ng PNP ang areas of concern na kung saan sa tatlong eleksyon nakalipas mayroon nangyaring election related incidents.

Ang nakikita lamang ng PNP ay ang lalawigan ng Nueva Ecija na malimit magkasanib puwersa ng Armed Forces of Philippines (AFP) at PNP ang nagbabantay sa naturang lalawigan.

Sa nakalipas dalawang eleksyon, wala naman nareport na matinding election related incidents sa Nueva Ecija. Mayroon lamang narereport na minor incidents.

Sang-ayon kay Llanera, walang nasa areas of concern sa mga lalawigan ng Tarlac, Bataan, Zambales, Aurora at sa mga lungsod ng Olongapo at Angeles.

Ang PRO-Central Luzon ay masusing babantayan ang Central Luzon nitong eleksyon upang matiyak na walang mangyayaring election related incidents.

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph