SECTIONS
Monday, April 22, 2019
PAMPANGA

Sapnu: Medalya ng papuri kay PO1 William Cristobal

DATELINE: Olivas

IGINAWAD kay Police Officer 1 (PO1) William Cristobal ang “Medalya ng Papuri.”

Ito’y matapos sabuyan ng taho ni Jiale Zhang, 23, isang Chinese student sa MRT Boni Station sa Mandalyong City, noong nakaraang Sabado ng umaga.

Pagkatapos ng insidente iyon, naging viral ito at pinag-usapan ng mga kababayan natin.

Sang-ayon sa report, hindi pinapasok ni PO1 Cristobal si Zhang dahil sa ipinatutupad na pagbabawal magdala ng anumang uri ng likido sa MRT. Ito’y dahil sa nangyaring kamakailan na bombing sa Mindanao.

Ang anumang uri ng likido ay maaaring magamit bilang “liquid bombs.”

Dito nangyari ang pagsaboy o pagtapon ng taho sa police officer na kung saan ikinagulat ng marami maging ang mga security guard ng MRT.

Kaagad inaresto ang Chinese student ang ikinulong, ayon sa report.

Sa pagsaboy ng taho sa Pulis, naging Viral ito at naging usap-usapan ng marami at panawagan nila ay ipa-deported si Zhang.

Sabi nga ng kababayan natin, isang insulto sa PNP ang insidente iyon.

Kinasuhan ni Cristobal si Zhang ng direct assault, disobedience to an agent in authority at unjust vexation sa sala ng Mandaluyong City Prosecutor’s Office.

Sa ipinakitang kalmado ni Cristobal at hindi man lang nagtaas ng boses at maging ang devotion at loyalty sa duty, noong nakaraang Lunes iginawag ang “Medalaya ng Papuri” sa kanya ni Chief PNP Director General Oscar Albayalde.

Kayo po ano reaksyon ninyo, kinakailangan po ba ipa-deport ang Chinese Student? Nagtatanong lang po...

O pabayahan nalang po natin ang ginawa niya dahil humingi naman ng “sorry” kay PO1 Cristobal? Nagtatanong lang po...

*****

Binabati ng Dateline si Chief Superintendent Joel Coronel, Police Regional Office (PRO)-Central Luzon acting director sa kanyang kaarawan noong Lunes.

Maligayang kaarawan, Sir!


VIEW COMMENTS
DISCLAIMER:

SunStar website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not necessarily reflect the views of the SunStar management and its affiliates. SunStar reserves the right to delete, reproduce or modify comments posted here without notice. Posts that are inappropriate will automatically be deleted.


Forum rules:

Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the discussion. Be coherent. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!