MUKHA yatang nagiging aktibo na naman ang carnapping at carjacking sa Pampanga.

Ito’y makaraang iniulat ng Pulisya na may tatlong sasakyan ang saplitan na kinuha sa may-ari nitong nitong nakaraang dalawang lingo lamang.

For updates from around the country, follow Sun.Star on Twitter

Sa ulat na natanggap ng Pulisya, dalawang sasakyan ang kinajack ng armadong lalaki sa dalawang car wash sa Barangay Telebastagan, City of San Fernanado.

Unang kinarjack ang isang Toyota Innova at sumunod naman ang isang Honda car sa dalawang car wash sa Barangay Telebastagan na kung saan ilan metro lamang ito sa Community Police Action Center (Compac).

Sang-ayon sa report, ang modus operandi ng mga carnapper/carjacker pagparada nilapitan kaagad ang nagmamaneho ng sasakyan at sapilitan itong kunin iyong sasakyan.

Hindi umano magawa ang drayber kungdi ibigay ang sasakyan dahil nakatutok umano ang baril ng mga karnaper.

Noong nakaraang buwan dalawang behikulo din umano ang tinangay ng mga di-kilalang armadong lalaki sa dalawang car-wash shop sa Angeles City.

Mayroon din umano kinarjack na isang behikulo nang palagyan ng hangin ang gulong ng may-ari ng sasakyan sa isang vulcanizing shop sa Angeles City.

Hanggang ngayon ang nasabing kinarnap o kinarjacking ng mga di-kilalang armadong lalaki ay hindi pa nakikita o narerekober ng Pulisya.

Sa pahayag ng isang opisyales sa Highway Patrol Group-3 (HPG3), kanilang mino-monitor umano grupo na sanggkot sa mga nangyayaring karjacking/karnaping sa Pampanga at Angeles City.

Hanggang sa kasalukuyan, hindi pa matukoy ng HPG opisyal kung sinong grupo ang nag-ooperate ngayon sa lalawigan at maging sa Angeles City.

Kaya ang payo ng HPG3, kung kayo ay magpapa-car-wash ay tignan munang mabuti ang paligid at baka nandyan lamang ang mga carjacker.

Ayon pa sa HPG3 opisyal, kanilang tinitignan kung may kinalaman o may mga car-wash boys na kasama ng mga carjacker/carnapper sa mga car-wash shop.

Ang tanong po dito, may kinalaman naman kaya ang may-ari ng mga car-wash sa nangyayaring carnapping/carjacking? Nagtatanong lang po.

Sang-ayon sa Intelligence Officer (IO) ng Dateline, mayroon din nangyaring carnapping sa Angeles City na kung saan iniwan ng may-ari ang kanyang sasakyan sa isang car-wash at pag-balik nito ay wala na ang kanyang kotse.

Alam po ba ninyo kung ano ang sinabing dahilan ng car-wash shop, mayroon daw nagpakuha ng kanyang sasakyan at kanilang binigay dahil binayaran pa umano ang pagkalinis nito.

Sa ganitong sitwasyon dapat may pananagutan ang may-ari ng mga car-wash. Di po ba?

Villar pumantay na kay Noynoy?

Ang 40 porsiento na rating ni Senator Benigno “Noynoy” Aquino ay nabawasan ng walong puntos at nakapantay na umano ni Senator Manny Villar na umangat ng 12 puntos, ayon sa Pulse Asia.

Sa isinagawang survey ng Pulse Asia mula Enero 22-26 sa 1,800 respondents sa bansa, bumagsak umano ng 37 percent ang rating ni Aquino na dating 45 percent noong Disyembre. Lumilitaw na umangat si Villar ng 35 porsiento sa dati nitong 27 porsiento.

Ganito rin umano ang ginawang survey ng isang pahayagan na kung saan 36 porsiento ang pumili kay Aquino at 34 naman kay Villar.

Sang-ayon kay House Minority Leader San Juan Rep. Ronaldo Zamora na hindi sila nagkamali sa pag-analisa na kanyang habulin ng National Party (Villar) ang Liberal Party pagdating ng Pebrero o Marso.

Dahil sa pagkakahalintulad ng mga bagong survey (Social Weather Station, Pulse Asia at MTS) lumilitaw lamang umano na bumaba ang rating ni Aquino at malaki umano ang iniangat ni Villar.

Sa mga naturang survey pangatlo naman sa puwesto si Joseph Estrada na may 12 percent, habang 5 percent naman si dating Defense Secretary Gilbert Teodoro at 2 percent naman kay Bro. Eddie Villanueva.

Sa mga survey, lumilitaw na malakas ang hatak ni Aquino sa mga mayayaman o class ABC, kumpara sa 22 percent ni Villar. Sa middle class hindi naman nagkakalayo ang dalawa, 40 percent kay Aquino at 34 percent naman kay Villar.

Lumilitaw din umano na malaki ang suporta na nakukuha ni Villar sa mga mahihirap matapos siya’y bigyan ng 39 percent kontra sa 31 percent ni Aquino.