Sapnu: PNP binago ang buhay ng mag-asawang pulubi

MASUWERTE ang pulubing sina Reynaldo Antonio at asawa nitong si Anita.

Ito’y matapos mabago ang kanilang buhay dahil sa mga ibinigay na bagong bisikleta na may sidecar.

Bukod dito binigyan din sila ng kalahating bigas, mga delata, mga damit at iba pa.

Ang mag-asawang pulubi na halos lampas nasa 60 na idad ay taga Barangay Pasig sa bayan ng Candaba, Pampanga.

Ang dalawa ay nagpupunta sa City of San Fernando upang mamalimos para mayroon silang makain ng araw na iyon.

Sa dakila at kabutihan loob nina Senior Superintendent Joyce Patrick Sanggalang, Regional Mobile Force Battalion commander at Senior Superintendent Romel Batangan, chief ng Office of the Regional Personnel Resources Management Division, kanilang pinag-usapan na bigyan ng kabuhayan ang mag-asawang Antonio.

Sa pamamagitan ng ibinigay na kagamitan at pagkabuhay nina Sanggalang at Batangan sa mag-asawa, maaari na silang magsimula sa kanilang maliit na negosyo sa pamamagitan na pagbebenta ng balut na kung saan kanila rin natanggap.

Binigyan din ng konting kapital nina Sanggalang at Batangan ang dalawang pulubi para sa panimula nila sa pagtitinda sa araw araw at upang di na sila mamalimos.

Natuwa naman si Chief Superintendent Joel Napoleon Coronel, Police Regional Office Central Luzon (PRO3) director sa kabutihan ipinakita nina Sanggalang at Batangan sa mag-asawang pulubi.

Sana tularan ng ibang senior police officers ang ipinakita nina Sanggalang at Batangan sa pagtulong nila sa dalawang pulubi.

Sino kaya ang susunod na senior police officers na tutulad sa ginawa nina Sanggalang at Batangan? Nagtatanong lang po...

*****

Announcement

49th Class Reunion batch ‘70 of Jose Abad Santos High School now Pampanga High School.

Venue: Otel Pampanga along Lazatin Boulevard, Dolores City of San Fernando, Pampanga.

When: Feb. 23, 2019

Mga batchmate, sana ma-attend kayo.

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph