Sapnu: CPSM, RPSMU at RAC nagsagawa ng revalida

BAGO ang nakatakdang revalida sa lahat ng mga Provincial at City Police Offices sa Central Luzon, naging abala ang lahat ng mga provincial at city police directors maging kanilang technical working group para sa “reporting” noong Pebrero 21.

Kaya naman ang lahat ng sa kanila ay handang handa sa kanilang “briefing” sa revalida.

Halos dumating ang mga provincial at city police directors at kanilang Technical Working Group sa nasabing revalida.

Ang hindi nakarating sa nasabing revalida ay ang Pampanga Provincial Police at Zambales Provincial Police dahil sa kanilang maraming kadahilanan.

Ang revalida ay kung ano ang performance governance nagawa ng bawat provincial at city police offices.

Bago nagsimula ang revalida nagbigay ng maikling mensahe si Chief Superintendent Leonardo Cesneros, deputy regional director for Administration at chairman ng Regional Police Strategy Management Unit (RPSMU).

Sa nasabing revalidA magbibigay ng “rating” sa “Performance” ng bawat Provincial at City police directors, kasama sina Senior Superintendent Victor Arevalo at Superintendent Ercy Nanette Mariaga, kapwa ng Center for Police Strategy Management at miyembro ng Regional Advisory Council (RAC) ng Police Regional Office III (PRO)-Central Luzon.

Kabilang sa nagsagawa ng rating ang RAC members kabilang ang Dateline, Engineer Fernando Limbitco at Rey Malig.

Sa revalida, tinatanong ng CPSM at RAC members ang nagreport na Provincial at City police directors at nagbibigay din ng ilang suhestsyon upang mapaganda pa nila ang kanilang “performance.”

Ang ibig sabihin “ginigisa” ng CPSM at RAC ang mga nagreport na provincial at city police directors.

Pagkatapos ng kanilang reporting, magbibigay ng “grade” ang CPSM at RAC. Ang grading ay mula sa 1 to 10. 10 ang pinakamataas at 7 naman ang passing.

Nagsimula ang revalida ng 10 ng umaga at umabot ito ng halos 9 ng gabi.

Ang nasalang sa reporting noong Pebrero 21 ay ang police offices ng Aurora, Tarlac, Bulacan, Olongapo City, Bataan, Angeles City at Nueva Ecija.

Abangan susunod na kolum kung sino ang pumasa sa mga provincial at city police directors sa kanilang “performance governance” reporting.

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph