PAMPANGA

Sapnu: Mga ranggo ng PNP balik military

DATELINE: Olivas

NAKATAKDANG ibalik sa new rank classification ang kasalukuyang ranggo ng Philippine National Police ((PNP).

Sa Senate Bill 2031 ni Senator Panfilo Lacson, ang bagong rank classification ng PNP ay maiiba sa military rank dahil ito’y idadagdag ang katagang Police.

Ang layunin ni Lacson sa kanyang bill ay upang hindi malito ang ating kababayan sa mga ranggo ng PNP at Military.

Ang bagong rank classification ni Lacson sa PNP ay police general, police lieutenant general, police major general, police brigadier general, police colonel, police lieutenant colonel, police major, police captain, police lieutenant, police executive master sergeant, police chief master sergeant, police senior master sergeant, police master sergeant, police staff sergeant, police corporal, at patrolman/patrolwoman.

Sa pamamagitan umano ng bagong rank ng PNP malalapit ang mga ito sa komunidad.

Kahit na nagmukhang military rank ang ranggo ng PNP, sila pa rin ay PNP’s civilian character, ayon pa sa bill ni Lacson.

Ang bill ni Lacson ay nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo at nakatakdang na ito ipatupad.

Noong baguhan pa lamang ako nagkokober sa PNP na kung saan noon ay Philippine Constabulary pa noon 1987, ang ranggo ng mga PNP ay pawang rank military.

Kaya sa akin hindi na bago ang rank classification ng PNP. Ang nabago lang nilagyan ito ng “police.”

Kayo ba mga PNP personnel pabor ba kayo sa new classification rank ninyo? Nagtatanong lang po...


VIEW COMMENTS
DISCLAIMER:

SunStar website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not necessarily reflect the views of the SunStar management and its affiliates. SunStar reserves the right to delete, reproduce or modify comments posted here without notice. Posts that are inappropriate will automatically be deleted.


Forum rules:

Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the discussion. Be coherent. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!

sunstar.com.ph