SECTIONS
Pampanga
Sunday, August 01, 2021
PAMPANGA

Sapnu: Aksyon ni Eleazar laban kay Cpl. Quibete

Dateline: Olivas

NITONG nakaraang araw naging usap usapan ang naging reaksyon ni Police Major General Guillermo Eleazar, director of National Capital Regional Police Office (NCRPO) sa kanyang ginawa kay Corporal Mario Quibete, miyembro ng Eastern Police District Drug Enforcement Unit.

Inaresto si Quibete ng PNP-Counter Intelligence Task Force na pinamumunuan ni Police Colonel Romeo Caramat dahil umano sa ginawa niyang pangongotong.

Sa isang isinagawang entrapment operation ng CITF, naaresto si Cpl. Anwar Nasser ng DEU ng Pasay Police.

Ang mga kasama ni Nasser na sina Lt. Frades, Patrolman Anthony Fernandez at Staff Sergeant Rigor Octavio ay nakatakas sa nasabing operasyon.

Dahil sa reklamo ni Joan dela Torre, ang mga nabanggit na mga police officers ay humihingin ng P100,000 para pakawalan ang kanyang parter na si George Revilla na naaresto dahil sa illegal drugs.

Si Quibete ay naaresto sa Barangay Santolan, Pasig noong Martes ng gabi sa isang operasyon na kung saan humihingi ng cash para makalaya ang drug suspect nakadetine.

Nauna dito nabigyan na rin umano ito ng P40,000, isang necklace at motorsiklo.

Bukod dito humingin pa rin karagdagan P20,00 si Quibete kapalit na paglaya ng suspek. Dito nagdesisyon ang partner ng suspek na humingi ng tulong sa mga pulis.

Nang dumating si Eleazar sa Pasay Police, isang matinding sermon ang ginawa nito kay Quibete. At dahil sa matinding galit ni Eleazar dinuro duro pa nito si Quibete.

Naging viral ang nasabing pagsermon at ginawa ni Eleazar. Marami din kababayan natin ang nag-react, mayroon din na negative at iyong iba pabor naman sa ginawa ni Eleazar.

Kayo po readers, ano reaksyon ninyo sa ginawa ni Police Major General Guillermo Eleazar?


VIEW COMMENTS
DISCLAIMER:

SunStar website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not necessarily reflect the views of the SunStar management and its affiliates. SunStar reserves the right to delete, reproduce or modify comments posted here without notice. Posts that are inappropriate will automatically be deleted.


Forum rules:

Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the discussion. Be coherent. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!

sunstar.com.ph