Sapnu: Areas of concern sa CL

LIMANG lalawigan ang nasa areas of concern sa Central Luzon.

Ito ang nakuhang impormasyon ng intelligence officer (IO) ng Dateline na kung saan iilan lang mga bayan ang nasa ilalim ng areas of concern sa limang lalawigan.

Sang-ayon sa IO, tinitignan ng Police Regional Office (PRO)-Central Luzon nasa areas of concern ang mga lalawigan ng Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga at Tarlac.

Sa Bataan ang bayan ng Limay ang nasa area of concern ng PRO-Central Luzon.

Sa Bulacan ang mga bayan ng San Jose Del Monte, San Rafael, San Ildefonso, San Miguel at Dona Remedios Trinidad ang nasa areas of concern.

Dalawang bayan naman sa Nueva Ecija ang mga ito ay ang bayan ng Aliaga at Sto. Domingo. Sa Pampanga ang bayan ng San Simon at Sasmuan.

Apat na bayan naman sa lalawigan ng Tarlac ang nasa areas of concern, kabilang ang Bamban, Camiling, Concepcion at La Paz.

Nasa areas of concern ang nabanggit na mga bayan dahil sa previous incidents sa nakalipas na dalawang eleksyon.

At maari din sa “intense political rivalry,” ayon sa IO.

Under monitor naman ng PRO-Central Luzon ang mga nabanggit na lalawigan upang makasiguro ang PNP na walang mangyayaring insidente.

Sang-ayon sa IO, sa Nueva Ecija mayroon augmentation ng Army upang maibsan kung mayroon mangyayaring election related incidents.

Matatandaanm ang lalawigan ng Nueva Ecija ang maituturing na hot spot kapag eleksyon.

Subalit sa nakaraang mga eleksyon nagdaan wala naman naiulat na elections related incidents.

Maaari pa rin madagdagan ng mga bayan ang isasailalim sa areas of concern kapag nagsimula na ang kampanya, ayon pa sa source ng IO.

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph