SECTIONS
Saturday, May 25, 2019
PAMPANGA

Sangil: Let the cleansing continue

Trending Toda Max

IT WENT viral on the internet, Police Major General Guillermo Eleazar confronting with all his fury an errant cop. He was so mad because the Philippine National Police has exerted already too much effort to reverse a bad image to good, and here comes a cop who extorted an unwilling victim. President Duterte even doubled their take home pay yet some still refuse to mend their ways. So the cleansing process continues. Let me share you what I wrote some years back. It is written in Filipino. Sana mabasa ng mga pulis.

Ang aking ama ay naging hepe de pulisya ng bayan ng Porac noong mga dekada singkwenta at ang alkalde ay si Higinio M. Gopez na tiyuhin ng naging gobernador ng Pampanga na si Francisco G. Nepomuceno. Kokonti ang mga pulis. Disiplinado at iginagalang. Wala pa yaong salitang “kotong cops”.

Noong dekada sitenta sumikat ang kantang “May pulis, may pulis sa ilalim ng tulay”. Isang awitin ito na hango sa malikot na isip ng isang song composer noon, sa dahilang sa madalas niyang pagbibiyahe mula Quiapo may napapansin siyang pulis na malaki ang tiyan ang naka-poste doon sa ilalim ng tulay na malapit sa palengke ng Echague.

Ang awitin ay mayroong pasaring na yaong mamang pulis na iyon ay inaabangan ang mga pampasaherong jeepney, at may hinalang kinokotongan ang mga lumalabag sa batas trapiko. Matagal na akong hindi na nakadaan sa bahagi doon ng Maynila, at ewan kung may pulis pang naka-poste doon. Subali't ang kantang yaon na bukod sa nakakatawa at nakaka-aliw ay nagbigay ng masamang impresyon sa publiko tungkol sa mga pulis.

Bugbug sarado ang imahe ng kapulisan pagkatapos sa sunod-sunod sa pagka-sangkot ng mga ilan sa kanila sa mararahas na krimen. Lalo na ang mga tinatawag na EJK (extrajudicial killings). Marami din namang masipag at disiplinado, pero napakarami pa ring lumilitaw na bulok na kamatis sa aming mga hanay, sabi sa akin ni Eleazar, isang matalik na kaibigan.

Mga apat na taon na ang nakaraan na isa ako sa nahilingan na sumali bilang kagawad ng Regional Advisory Council (RAC) partikular ng Criminal Imvestigation and Detection Group (CIDG). Ilan sa mga kasamahan dito ay ang dating Mayor Ace Manalang ng Tarlac City, Fr. Francis Dizon ng SACOP na ngayon parish priest ng Holy Rosary parish sa Lungsod Angeles at Jesus Simbulan, Regional State Prosecutor. Ito ay isang hakbang upang mga mamayan ay mahingan ng mga rekomendasyon kung paano mapa-igting ang serbisyo ng kapulisan. Moral Recovery Program. Isa ito sa rekomendasyon ng grupo namin sa RAC. Mga moral values ang sukat isaisip at isa-puso ng bawa't pulis, anomang ranggo ito. Ang mga turo ng ating mga magulang na huwag mong pag-interesan ang hindi sa iyo.

Naalala ninyo pa ba noong maliit pa tayo na kapag kinuha mo ang laruan ng isang bata, ano ang sasabihin ni nanay, ni tatay o ni ate. “Isoli mo iyan, hindi sa iyo yan. Masama yan”. Sunod tayo agad sa utos.

Nakakapangilabot namang isipin na sasamsamin mo ang isang bagay na hindi sa iyo at gagamit ka pa ng baril, dahas at banta. At kung magka-minsan ay hahantong pa sa kamatayan ng inaagawan mong hindi sa iyo. Iyon ba ang perang ipapakain mo sa pamilya mo? Wala na ang mga pulis na kagaya ng aking ama at libo libong katulad niya noong mga nakalipas na panahon. Pasasaan ba baka naman may aasahan pa tayong pagbabago.


VIEW COMMENTS
DISCLAIMER:

SunStar website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not necessarily reflect the views of the SunStar management and its affiliates. SunStar reserves the right to delete, reproduce or modify comments posted here without notice. Posts that are inappropriate will automatically be deleted.


Forum rules:

Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the discussion. Be coherent. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!