SECTIONS
Tuesday, March 26, 2019
PAMPANGA

Sapnu: Mukhang pawala na ang mga kalesa???

IILAN na lang mga kalesa pumapasa sa City of San Fernando dahil napalitan na ito ng mga tri-wheeler, motorized tricycle at E-trike.

Noong kalesa pa lamang ang pumapasada sa lungsod, wala grabeng trapik nararanasan dito sa lungsod at sa pangunahing lansangan ng Pampanga.

Wala din air pollution, hindi kagaya ngayon, iyong motorized tricycle ay bumubuga ng usok.

Kaya naman ang masama na ang idinudulot na pollution sa lungsod.

Ang isa pa bukod dito, parang kabuteng naglipana ang mga motorized tricycle at lalo na ang mga E-trike.

Ang masama, ang mg ito ay bumabiyahe sa kahabaan ng Mac Arthur highway at hindi nakikita ang panganib sa highway.

Kung tutuusin bawal lumabas ng highway ang mga ito at dapat lamang sa mga barangay o subdivision lamang dapat mamasada.

Lalo na sa gabi makikita mo ang mga ito na bumabagtas sa kahabaan ng Mc Arthur highway at umaabot sa Barangay Sindalan at hindi nila inaantala ang panganib.

Ang mga motorized tricycle drivers ay mayroon lisensya samantalang ang mga E-trike pawang walang lisensya ang mga drayber.

E paaano na kung ma-aksidente ang mga E-trike bukod walang driver ‘s license ang mga ito di rin nakarehistro ang kanilang sasakyan.

Hihintayin pa ba ng concerned agencies na may mangyari sa mga E-trike bago ito ipagbawal pumapasada sa Mac Arthur highway???

Maging ang mga motorized tricycle ay hindi dapat pumasada o dumaan sa naturang highway.

Bakit pinababayaan ng concerned agencies ang nasabing pasada ng mga motorized tricycle at E-trike? Nagtatanong lang po.

Malls Security guards kailangan ang GMRC

Noong nakaraang linggo, inireklamo ng ilang drayber ang Security Guards ng Marquee Mall.

Ito’y matapos sitahin ng Sekyu ang ilang drayber na pumaparada sa parking area.

Hindi raw maganda pakinggan nang pagsabihan ng Sekyu ng Marquee ang ilan drayber na pumaparada sa parking area.

Ang hasta pa nga nila, ayon sa ilang drayber, sila’y mga Pulis.

Dapat lamang na isailalim sa GMRC (Good Manners and Right Conduct) ang mga Sekyu ng nasabing mall.

Buti pa raw ang mga Sekyu ng ibang mall ay magalang kung makipag-usap sa mga drayber.

Paging sa supervisor ng nasabing mall paki-aksyunan ang naturang reklamo ng mga drayber?????

*****

Si Chief Superintendent (Brig. Gen.) Ismael Ephraim Dickson na dating natalaga sa PRO3 bilang Deputy Regional Director for Operations ang bagong Police Regional Director ng PRO-COR.

Sa Friday ang turnover ceremony.

Sir congrats


VIEW COMMENTS
DISCLAIMER:

SunStar website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not necessarily reflect the views of the SunStar management and its affiliates. SunStar reserves the right to delete, reproduce or modify comments posted here without notice. Posts that are inappropriate will automatically be deleted.


Forum rules:

Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the discussion. Be coherent. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!