SECTIONS
Sunday, April 21, 2019
PAMPANGA

Sapnu: Isang mall sa Pampanga nilooban?

DATELINE: Olivas

NILOOBAN ng pinag-hihinalaang “minero” ang isang jewelry store sa isang mall sa Pampanga nitong nakaraang Biernes.

Ito ang nakuhang inpormasyon ng intelligence officer (IO) ng Dateline na kung saan itinago umano ng management ng mall ang naturang pangloloob ng mga kawatan.

Mukhang ayaw umano ma-report sa mga pahayagan ng management ng mall dahil ikasisira umano ng nasabing mall, ayon sa IO.

Subali’t kahit na itago nila ang nasabing insidente, natuklasan pa rin ng IO ang pangloloob sa mall sa Pampanga.

Sang-ayon sa source ng IO, nagkaroon din ng “initial report” ang Pampanga police nguni’t pagkatapos noon wala na itong follow-up report. Bakit kaya? Nagtatanong lang po...

Napag-alaman ang mga nangloob ay nagmula sa isang subdivision mayroon mahigit ilang metro ang layo sa mall.

Pinag-aralan mabuti ng ilang araw ng mga suspek ang target nilang jewelry store.

Sang-ayon sa IO, dumaan sa drainage ang mga suspek patungon sa kanilang target.

At naghukay o gumawa sila ng kanilang daan na kung saan mahigit sa pito o sampung talampakan ang haba nito patungo sa target nila.

Mukhang gumamit ng cellular phone ang mga supesk sa pagtumbok ng lugar ng jewelry store.

Sa ginawa nilang paghuhukay walang narinig ang management ng mall at mga empleyado nito dahil sinasabayan umano sa mga ingay ng mga behikulong dumaan dito.

Eksakto sa store ang hinukay nila at isang butas ng maaaring makalusot ang tao ang kanilang ginawa.

Pagpasok ng apat na suspek pawang naka-bonnet, sinira ang mga vault ng jewelry store, ayon sa info ng IO.

Halos umaabot umano sa P20 o 30 milyon ang halaga ng mga jewelry natangay ng mga kawatan.

Umaabot pa sa P300,000 halaga ng mga nalaglag na mga bracelet, sing-sing at iba pa ang nakita ng PNP sa flooring ng tindahan, ayon sa IO.

Malabo umano ang kuha ng CCTV camera ng mall dahil luma na ito, ayon sa IO.

Ang nakapagtataka nito, bakit di nakita o narinig ng roving security guards ang insidente lalo ng sinira ang mga safety vault ng jewerly store? Nagtatanong lang po...

Nangyari ang nasabing pangloloob ng dakong 1 a.m. hanggang 3 a.m.

Kahit na nasa loob ng malaking mall ang iyong tindahan hindi pa rin “secure” ito.

Ang management kahit na itago ninyo ang insidente, sisingaw at sisingaw din di po ba?

Ano ang masasabi ng management dito sa nangyaring pangloloob sa kanilang mall? Nangtatanong lang po...


VIEW COMMENTS
DISCLAIMER:

SunStar website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not necessarily reflect the views of the SunStar management and its affiliates. SunStar reserves the right to delete, reproduce or modify comments posted here without notice. Posts that are inappropriate will automatically be deleted.


Forum rules:

Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the discussion. Be coherent. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!