Sapnu: Dateline: Olivas

BASAG Kotse gang balik operasyon

Halos mag-iisang taon na walang nangyayaring insidente kinasasangkutan ng tinaguriang Basag Kotse gang.

Matatandaan noong nakaraang ilang taon naging target ng mga Basag Kotse gang ang Pampanga at Angeles City.

Maraming kababayan natin at maging pulis ang naging biktima ng Basag Kotse gang sa nakaraang taon.

At nitong Marso 15, tinarget ng Basag Kotse gang ang Toyota Fortuner ni Lt. Colonel Alfredo DL Canlas.

Ipinarada ni Canlas ang kanyang Fortuner sa kahabaan ng Henson Street sa Barangay Teresita, Angeles City at lahat ng bintana at pinto ay nakakandado mabuti.

Gabi nang iparada ni Canlas ang behikulo nito at mayroon lamang binisita malapit sa pinagparadahan.

Laking gulat niya nang balikan nito ang Fortuner nito dahil basag na ang rear windshield nito.

Natangay ng mga suspek ang PNP uniform, mga IDs, passbooks at ang isyung caliber .9mm Pietro Berreta kasama ang tatlong magazines.

Inireport naman kaagad ni Canlas ang insidente nguni’t di na nakita ang mga kawatan.

Pinapayuhan ng PNP ang mga may-ari ng behikulo na huwag mag-iwan ng mahahalagang gamit sa loob para di magtaka ang Basag Kotse gang.

Di na natatakot ang Basag Kotse gang kahit miyembro ng PNP ay binibiktima nila.

*****

Sa kolum ko noong nakaraang Sabado, maraming nagtatanong kung alin bang mall ang nilooban? Sabi ko iyong malaking mall...

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph