DAHIL sa lumabas na kolum ng inyong lingkod, isang monitoring team ang binuo ng Pampanga Police Provincial Office (PPPO) upang madakip ang grupong naghahasik ng iligal na aktibad sa Pampanga at maging sa kalapit na lungsod ng Angeles City.

 

Ito ang ipinahayag ni Senior Superintendent Gil Lebin Jr., PPPO director, na kaagad bumuo ng isang “monitoring team” na tututok sa nagaganap na karnaping at carjacking sa lalawigan.

For updates from around the country, follow Sun.Star on Twitter

 

Sang-ayon kay Lebin, isang dating malaking grupo ng karnaper ang nasa likod ng karnaping at carjacking na nagaganap sa mga car wash shop.

 

Matatandaan na isang Toyota Innova at isang Honda car ang sapilitang kinuha ng mga carjacker sa isang car wash sa Barangay Telebastagan ng City of San Fernando.

 

Maging sa Angeles City, dalawang behikulo ang kinarnap ng mga di-kilalang lalaki sa magkahiwalay na car wash establishments. 

 

Ang isang modus operandi ng mga karnaper, pupunta ang mga ito sa isang car wash at doon sasabihin sa may-ari ng car-wash na pinakukuha ang pinalinis nitong sasakyan.

 

Siyempre ibibigay naman ng may-ari ng car wash shop ang katatapos na nalinis na behikulo at, presto, tangay na ng mga karnaper ang nasabing sasakyan.

 

Sa mga nangyayaring carjacking at carnapping sa lalawigan, pina-alerto din ni Lebin ang lahat ng mga hepe ng bawat police station at maging iyong mga Community Police Action Center.

 

Inatasan din nito ang lahat ng kanyang mga hepe na pag-ibayuhin ang kanilang kampanya sa krimen, partikular ang nagaganap na carjacking at carnapping sa lalawigan.

  

At bilang kampanya ni Lebin sa police visibility, inilunsad nito kamakailan ang 24/7 sa lahat ng police station sa Pampanga.

 

Sang-ayon sa kanya, natitiyak nito na magiging epektitbo ang 24/7 para maibsan ang crime incidents sa lalawigan.

 

Sana sir, ipagtuloy po ninyo ang 24/7 dahil ito ang mabisang panlaban sa mga naglipanang kriminal sa lalawigan.

Post Valentine’s PRO3 

                            

Noong nakaraang Huwebes (February 18) ipinagdiwang ng mga Police Regional Office-3 (PRO3) police officer ang Valentine na ginanap sa Multi-Purpose Hall sa loob ng Camp Olivas, Pampanga.

 

Siyempre dahil post valentine’s celebration kasama ng mga senior police officer ang kanilang mga asawa sa pagdiriwang ng nasabing okasyon.

 

Lahat ng mga provincial police director sa lalawigan kasama ang kanilang mga kabiyak ay dumalo sa post valentine’s party na kung saan maging ang maybahay ni Chief Superintendent Leon Nilo dela Cruz, PRO3 director, na si Juliet ay nandoon din upang makisaya sa mga police officer.

 

Nagkaroon ng maiksing program at doon umawit ang mga asawa ng limang police officer na pinangungunahan ng kabiyak ni Senior Superintendent Keith Singian, chief of staff, na si Flor Singian at Ms. Magnaye.

 

Dumalo din ang ilang media men mula sa Bulacan at mga nagkobober sa Camp Olivas sa nabanggit na pagtititpon.

 

Sa naturang okasyon, nagbigay ng certificate of recognition ang Camp Olivas Press Society. Kabilang sa tumanggap ng award na sina Chief Superintendent Dela Cruz, Senior Superintendent Singian, Senior Superintendent Marvin Bolabola, regional chief ng Criminal Investigation and Detection Unit-3, Senior Superintendent Fernando Villanueva, chief ng Highway Patrol Group-3 at si Elmer Lopez, isang sibilyan.

 

Sa mga nabigyan ng awards, congrats sa inyo, lahat lalo na si Chief Supetendent Dela Cruz.