PAMPANGA

Sapnu: Dalawang barangay captains sugatan

Dateline: Olivas

DALAWANG araw bago magsimula ang election campaign sa mga local, dalawang barangay captains ang pinagbabaril.

Pauwi noon sina barangay captains Nicolas Castro Gardiner ng Barangay San Vicente at Renato Pacia ng Barangay Sampaloc, kapwa sa Apalit, Pampanga nang tambangan ng mga suspek.

Sakay ng isang Honda City ang dalawa pauwi noon galing sa isang peace covenant sa City of San Fernando at habang bumabagtas sa kahabaan ng MacArthur Highway sa Barangay Sto. Domingo, Minalin nag overtake ang isang Toyota Fortuner na kung saan pinaputukan ng isang sakay nito.

Pagkatapos ng pamamaril, pinahururot ng mga suspek ang kanilang Fortuner patungong San Simon, Pampanga.

Dinala ang mga biktima sa Mother Theresa Calcutta hospital sa Barangay Maimpis. Ang dalawang kapitan ay ligtas naman dahil hindi naman masama ang kanilang tama.

Inatasan naman ni Police Regional Office III Director, Brig. Gen. Joel Napoleon Coronel si Colonel Jean Fajardo ng Pampanga police acting provincial director, na imbestigahan ang naturang shooting incident.

Binigyan ng isang tatlong araw ni Coronel si Fajardo upang mahuli ang mga bumaril kina Gardiner at Pacia.

Kinondena din ni Coronel ang naturang shooting incident.

Ang tanong po, kanino kaya supporters sina Gardiner at Pacia bakit sila naman ay tinambangan? Nagtatanong lang po...

Mayroon po ba malaking papel na gagampanan ang dalawa sa kanilang sinusuportahan na kandidato? Nagtatanong lang po...

Isang hamon naman kay Col. Fajardo ang naturang shooting incident kung mabibigyan ng agarang solusyon.

Abangan po natin kung mahuhuli ang mga gunmen sa shooting and wounding kina Gardiner at Pacia...

****

Ang Samgeopsarap (isang Korean restaurant) ay bukas na at ito’y nasa Barangay Saguin, City of San Fernando malapit lamang sa PTT Gas Station.

Try ninyo po ang Samgeopsarap (unli). Nagbubukas ito ng 11 a.m. to 2 p.m. at 5 p.m. to 11 p.m..


VIEW COMMENTS
DISCLAIMER:

SunStar website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not necessarily reflect the views of the SunStar management and its affiliates. SunStar reserves the right to delete, reproduce or modify comments posted here without notice. Posts that are inappropriate will automatically be deleted.


Forum rules:

Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the discussion. Be coherent. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!

sunstar.com.ph