PAMPANGA

Sapnu: 65 mga bayan sa CL identified sa elections watchlist

DATELINE: Olivas

UMAABOT sa 65 mga bayan sa Central Luzon ang nasa elections watchlist areas.

Ito ang napag-alaman ng intelligence officer (IO) Dateline na kung saan ito ang naging “validation” ng Regional Elections Monitoring Action Center (REMAC).

Batay sa report ng REMAC sa kasalukuyan halos 65 na mga bayan sa rehiyon ang nasa kanilang elections watchlist.

Karamihan na mga bayan nasa watchlist ay ang lalawigan ng Nueva Ecija at Bulacan.

Sa nasabing dalawang lalawigan ang mayroon naiuulat na palaging elections related incidents.

Ito ay batay sa mga nakalipas na elections period na kung saan mayroon naiuulat na political harassment.

Sa Pampanga ang mga bayan ng San Simon, Apalit at Arayat ang nasa watchlist ng REMAC.

Matatandaan nitong nakalipas na linggo, dalawang barangay captains ang pinagbabaril at nasugatan sa kahabaan ng MacArthur Highway sa bayan ng Minalin.

Hanggang kasaluluyang iniimbestigahan pa ito ng Pampanga Police.

Hindi binanggit ng source ng IO kung alin alin mga bayan sa anim na lalawigan at dalawang lungsod sa rehiyon ang nasa election watchlist.

Walang bayan naman sa Aurora ang nasa election watchlist.

*****

Noong nakaraang buwan mahigit sa 2,000 pulis ang na-promote.

Kabilang sa mga promoted to Police Lieutenants sina Lerma Castro ng Regional Police Community Relations Division, Aileen Balisi ng Deputy Regional Director for Administration, Elsa Casupanan at Christian John Bautista, kapwa ng Regional Logistics Resource Development Division. Kabilang din promoted to Lt. si Silvester Colanza ng Gapan City police.

Promoted to Police Executive Master Sergeant sina Tom Agustin ng Deputy Regional Director for Operations, Alvin delos Reyes ng Deputy Regional Director for Administration, Dexter Dollente ng Office of the Regional Director, Robert Gozun ng Office of Chief Regional Staff at Ruth Fernandez ng Regional Logistics Resource Development Division.

Promoted to Police Corporal sina Jamelah Navero at Anne Jerica Buenafe, kapwa ng Regional Police Community Relations Division.

Congrats sa inyong lahat...


VIEW COMMENTS
DISCLAIMER:

SunStar website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not necessarily reflect the views of the SunStar management and its affiliates. SunStar reserves the right to delete, reproduce or modify comments posted here without notice. Posts that are inappropriate will automatically be deleted.


Forum rules:

Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the discussion. Be coherent. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!

sunstar.com.ph