SECTIONS
Friday, July 19, 2019
PAMPANGA

Sapnu: PNP at CDC police may away?

DATELINE: Olivas

NITONG nakaraang Martes, April 2, nagkaroon ng matinding kontrobersya sa loob ng Clark Freeport.

Isang simpleng parking ang nangyari na kung saan ang Clark Development Corporation (CDC) police ay sinita ang isang nakaparadang sasakyan malapit sa parade grounds sa boundary ng Mabalacat City.

Ang may-ari ng sasakyan ay si Kevin, anak ni Chief PNP Police General Oscar Albayalde.

Sa madali’t salita, akala ng CDC police ay isang Koreano ang sinita nila?

Pagkatapos sitahin ng CDC police si Kevin, dinala ito kasama ang dalawa nitong escort na pulis na sina Police Master Sergeant Jhonny Belinan at Police Corporal Jeffry Ebreo sa tanggapan ni Retired Gen. Romeo Ver.

Si Ver ang chief ng Public Security Department ng CDC at doon nangyari ang hindi kanais kanais, ayon sa police report.

Ang dalawang police escort ni Kevin ay kaagad dinisarmahan sa tanggapan ni Ver kahit na nagpakilala ang mga ito na mga pulis sila.

Nang malaman talaga na nagsasabi ng totoo si Kevin na anak ito ni Chief PNP, sila’y pinakawalan din umano.

Sa pangyayaring ito dahil di maganda ang naging trato ng CDC police sa dalawang police escort at maging kay Kevin sinampahan ng kaso ang CDC police.

Nitong Huwebes sina Belinan at Ebreo ay nagsampa ng kasong slander by deeds, grave coercion, unjust vaxation and direct assault upon an agent of a person in authority laban sa CDC police sa sala ng Office of the Associate Provincial Prosecutor Leila Navarrete-Angulo ng Mabalacat City Prosecutor Office.

Sa nangyaring gusot sa pagitan ng PNP at CDC police, sinibak sa puwesto si Ver.

At isang CDC police ang inaresto ng Angeles City police nang ito’y lumabas ng Clark Freeport na may dalang baril na walang kaukulang papeles.

Siya ay inaresto ng Station 4 sa paglabag sa gun ban.

Sa panayam ng mga reporter kay Chief PNP noong Huwebes, April 4, na kung saan naging bisita ito sa Camp Olivas, ang kanyang anak ay tahimik at walang pinagyayabang nang sila’y sitahin ng CDC police.

Sang-ayon kay Chief PNP aalamin ngayon ng police kung ang mga baril ng mga CDC police ay may kaukulang dokumento at kapag wala, sila’y huhulihin at kakasuhan ng paglabag sa gun ban.

*****

Samantala, habang sinusulat ng Dateline itong topic na ito, isang police colonel din ang nag-react.

Sang-ayon sa kanya, nang siya’y at ibang kasama nitong pulis ay pumasok sa Clark Freeport gate ay sinita din ng CDC police.

Sang-ayon sa kanya, sa kabila na markado ng PNP police ang kanilang sinasakyan na behikulo ay sinita pa rin sila.

Daig pa raw ng isang police general ang mga CDC police kung sumita? Nagtatanong lang po.


VIEW COMMENTS
DISCLAIMER:

SunStar website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not necessarily reflect the views of the SunStar management and its affiliates. SunStar reserves the right to delete, reproduce or modify comments posted here without notice. Posts that are inappropriate will automatically be deleted.


Forum rules:

Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the discussion. Be coherent. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!

sunstar.com.ph