SECTIONS
Tuesday, July 16, 2019
PAMPANGA

Sapnu: The damage is done?

DATELINE: Olivas

NITONG Lunes, Abril 8, nag-isyu ng isang public apology ang Clark Development Corporation (CDC) kay PNP Chief Oscar Albayalde dahil sa nangyari sa kanyang anak na si Kevin sa parking area.

Nag-ugat ang nasabing insidente dahil lamang sa isang simpleng parking sa kahabaan ng kalsada malapit sa Play Ground sa loob ng CDC noong Abril 2.

Nag-park umano si Kevin sa nasabing area na kung saan ito’y pala No Parking doon.

Sang-ayon sa police officer sa Dateline, marami umano naka-parked na behikulo bakit ang sports car ni Kevin ang napag-initan na sitahin ng CDC police? Bakit kaya? Nagtatanong lang po.

Lalo umano nagka-interest ang CDC police nang makita nila Chinese national umano ang nag-parked doon. Bakit kaya? Nagtatanong lang po.

Hindi naman sinabi ng police officer kung papaano o dumating si Manager Romeo Ver, manager ng CDC public safety security department.

Sang-ayon sa police officer, sa pagsita ng CDC police kay Kevin hindi ito nagpakilalang anak siya ni Chief PNP at iyong ticket ay kanyang kinuha.

Subali’t ayon sa police officer, hinablot umano ng CDC police ang bag ni Kevin at dito na sinabi ni Kevin na “dependent” ito ni Chief PNP at hindi anak.

Sa hindi malaman dahilan, pagkakita umano ng CDC police sa dalawang police escort ni Kevin, sila’y dinisarmahan.

Sa madali’t salita pagkatapos ng pangyayaring iyon, nagsampa ng kaso sina Police Master Sergeant Jhonny Belinan at Police Corporal Jeffry Ebreo nagsampa ng kasong Slander by Deeds, Grave Coercion, Unjust Vaxation and Direct Assault upon an agent of a person in authority laban sa CDC police sa sala ng Office of the Associate Provincial Prosecutor Leila Navarrete-Angulo ng Mabalacat City Prosecutor Office.

Sa ginawa ng CDC police nag-isyu ng public Apology ang pamunuan ng CDC kay Chief PNP.

Pero sabi ng mga police officers nakausap ng inyong lingkod, the damage is done.

Ano na kaya ang magiging aksyon ng pamunuan ng CDC sa nangyaring insidente sa anak ni Chief PNP? Nagtatanong lang po.

Sabi nga ng mga police officers, e kung ordinaryong tao paano na kaya? Nagtatanong lang po.

Calling pamunuan ng CDC sana di na maulit ang naturang insidente lalo na sa mga ordinaryong tao.


VIEW COMMENTS
DISCLAIMER:

SunStar website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not necessarily reflect the views of the SunStar management and its affiliates. SunStar reserves the right to delete, reproduce or modify comments posted here without notice. Posts that are inappropriate will automatically be deleted.


Forum rules:

Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the discussion. Be coherent. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!

sunstar.com.ph