SECTIONS
Monday, June 17, 2019
PAMPANGA

Sapnu: Kampanya sa illegal drugs patuloy pa rin

DATELINE: Olivas

SA KABILA ng pag-amin ni Pangulong Rodrigo Duterte na lumalala pa rin ang illegal drugs operation sa bansa, ang kampanya ng Philippine National Police (PNP) laban dito ay patuloy pa rin.

Ito ang ipinahayag ng isang police officer sa Dateline na kung saan sa dami na umano ng PNP na nahuhuling mga drug pusher/user ay halos napupuno na ang mga kulungan.

Sa pag-upo ni Duterte, sinimulan na ng PNP ang kampanya laban sa illegal drugs sa bansa.

Hindi na mabilang ang mga naaarestong drug personalities at mga napapatay sa mga anti-illegal drugs operation na isinasagawa ng iba’t ibang Police Regional Offices sa bansa, ayon sa police officer.

Ilang kilong shabu at mga drug paraphernalia ang nakukumpiska ng Drug Enforcement Units sa bansa.

Ito ang patunay na ginagawa ng PNP ang kampanya laban sa illegal drugs sa bansa, ayon sa police officer.

Nguni’t hanggang sa kasalukuyang hindi pa rin naiibsan ang pagkalat ng droga sa iba’t-ibang panig ng bansa.

Katunayan nga, ayon sa police officer, maging ang cocaine ay pumasok na rin sa bansa.

Kahit na masigasig ang kampanya ng PNP laban sa illegal drugs, lalo pa yata lumalala.

Halos lahat ng mga kulungan sa bansa ay napupuno na at nagsisiksikan dahil sa mga nahuhuli ng PNP na mga drug pusher/user.

Baka sa darating na raw, hindi na magkasya sa mga kulungan ang mga nahuhuli ng PNP, ayon sa officer.

Sang-ayon sa police officer, hindi nagpapabaya ang PNP sa kampanya sa illegal drugs at hindi nito maintindihan kung bakit lalong lumalala ito.

***

Traffic light sa harapan ng Vista Mall sa Barangay Dolores, City of San Fernando

Naging sanhi pa ng grabeng trapik ang itinayong traffic light sa may Vista Mall.

Kapag rush hour, mula sa Barangay San Isidro hanggang sa Vista Mall ay grabeng ang trapik, dahil sa itinayong traffic light na ito.

Napag-alaman ng Dateline, ni-request umano ng management ng Vista Mall sa Department of Public Works and Highways (DPWH) ang nasabing traffic light.

Ang nasabing traffic light ay malaking benepisyo sa Vista Mall dahil sa pagpasok ng mga shoppers dito.

Walang duda na hindi pagbigyan ng DPWH ang request ng Vista Mall dahil ito’y kay Sec. Mark Villar.


VIEW COMMENTS
DISCLAIMER:

SunStar website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not necessarily reflect the views of the SunStar management and its affiliates. SunStar reserves the right to delete, reproduce or modify comments posted here without notice. Posts that are inappropriate will automatically be deleted.


Forum rules:

Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the discussion. Be coherent. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!