SECTIONS
Wednesday, September 18, 2019
PAMPANGA

Sapnu: RMFB3, No. 1 sa Proficiency Stage

DATELINE: Olivas

SA ISINAGAWANG revalida ng mga miyembro ng PRO3 Regional Advisory Council (RAC) noong nakaraang buwan sa pagbibigay ng Grading sa mga Provincial at City Police Offices at sa Regional Mobile Force Battalion 3 (PRO3), ipinahayag na noong Lunes ang kanilang mga nakuhang percentage.

Ang RMFB3 sa pamumuno ni Police Colonel Joyce Patrick Sangalang ang nakakuha na pinakamataas na “grade” na 98.01.

Pumapangalawa naman ang Olongapo City Police Office sa pamumuno ni Police Colonel Sembrano na may grado na 97.33.

At pumapangatlo ang Bulacan Provincial Police Office sa pamumuno ni Police Colonel Chito Bersulona na may grado na 97.00.

Pang-apat naman ang Tarlac Police Provincial Office sa pamumuno ni Police Colonel Jesus Rebua na may gradong 96.02.

Ang lahat ng apat na ito ay pawang may Gold Eagle award.

Samantalang ang Zambales Police Provincial Office ay may gradong 94.86; Angeles City police, 94.01; Nueva Ecija, 94.07; Pampanga, 94.23; Aurora, 94.06; Bataan, 92.05.

Ang mga ito ay may Silver Eagle award.

Hindi inaasahan ng lahat ng Provincial at City police directors na ang RMFB3 ang makakuha ng mataas na grado sa Proficiency Stage.

Ang mga naging resulta ng mga grado ng bawat Provincial at City police Offices at maging sa RMFB3 ay ang mga ibinigay na grado ng mga miyembro ng Center Police Management Strategy at ng Regional Advisory Council sa pamumuno ni Police Brigadier General Leonardo Cesneros, Deputy Regional Director for Administration.

Sa mga nakakuha ng Gold Eagle Award sa pangunguna ng RMFB3 congrats sa inyo.


VIEW COMMENTS
DISCLAIMER:

SunStar website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not necessarily reflect the views of the SunStar management and its affiliates. SunStar reserves the right to delete, reproduce or modify comments posted here without notice. Posts that are inappropriate will automatically be deleted.


Forum rules:

Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the discussion. Be coherent. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!

sunstar.com.ph