SECTIONS
Thursday, June 27, 2019
PAMPANGA

Catap-Lacson: Pain and suffering can end; Easter brings back our life

Providentia

AS CATHOLICS, we observe the Lenten Season particularly the Holy Week every year. However, it might have become a superficial part of our Christian life that we do not get to find a deeper sense of our observance. For some, this ushers in a perfect time to spend it on a holiday vacation, while others see it as a time for that much-needed break from work.

And so, how can we have a more profound and more meaningful Holy Week? I did find a simple thought that only in celebrating one’s pain and suffering, similar to how Jesus Christ suffered on the Cross that we get to exult in the glory and new beginning that await us. The analogy is clearly simple – in life’s tribulations, there will always be a glorious end to relinquish us from all our torments.

I would like to share excerpts of the Message of Gratitude of Joshua Carlos, the first ever Senior High School student of the Don Honorio Ventura State University who graduated with highest honors:

Isang tanong ang madalas kong sinusubukang sagutin, at marahil, kayo rin.

Bakit ba ako bumabangon? Ikaw, para saan at para kanino ka bumabangon?

Sa tanong na ito, lahat tayo ay may iba’t ibang kasagutan. Lahat tayo ay may kani-kaniyang dahilan. Ngunit, isang bagay ang nasisiguro ko. Bumabangon tayong lahat para sa ating mga pangarap na nais makamtan–mga pangarap na balang araw, ay papawi sa hirap na ating pinagdaanan at sa pait ng ating mga karanasan.

Tayong lahat na narito ngayon ay maituturing na matagumpay. Congratulations! Dahil napagtagumpayan natin ang pagbangon nang maaga para hindi ma-late sa 7:30 nating klase. Ang araw na ito ay siya ring bunga ng ating pagsusumikap na malampasan ang lahat ng pagsubok na nakalatag sa atin. Ito rin ang araw na nakalaan para sa atin, bilang mga estudyante, upang pormal na magpaalam sa mga thesis na nagpaiyak, nagpahirap, at nagparamdam sa atin ng rejection! Mabuhay ang mga kaklase nating nag-ambag ng Pancit Canton! Ngayon natin inaani ang lahat ng ating pagsisikap—ang kapalit at bunga ng ating mga paghihirap.

Hayaan niyo akong ibahagi sa inyo ang kwento ng pagbangon ng mga natatanging guro sa ating departamento. Ang kwento nila ay naging inspirasyon at patuloy na magiging inspirasyon sa ating lahat. Pinatunayan nila na hindi kailanman naging hadlang ang kahirapan para makapagtapos sa kanilang pag-aaral at makamit ang kanilang mga pangarap.

Si Ginoong Aries Alviz Mercado, produkto ng institusyong ito, na sa kabila ng hirap ng buhay ay nakapagtapos ng pag-aaral dahil sa paglalabada ng kanyang ina, pagpipintura ng kanyang ama at pagtatrabaho sa bukid ng kanyang mga kapatid. Si Ginoong Banjo Lim Somera, na itinawid ang pag-aaral gamit ang kanyang bisekleta, nagtiyaga at walang sawang pumedal hindi lamang para sa kanyang sarili, kundi para na rin sa kanyang pamilya. Their struggles are now the greatest testimonies that no matter how unfair life is, anything is possible if you have the perseverance and the willingness to strive. Kagaya nila, hindi rin naging madali ang aking naging paglalakbay.

Ang sandata nina Sir Aries at Sir Banjo, ang siya ring ginamit ko para maabot ang pinakamataas na karangalang ito.

Marahil karamihan sa inyo na narito ngayon ay kilala lamang ako sa pangalang Joshua M. Carlos, ang tanging nakakuha ng pinakamataas na marka at parangal sa mahigit 900 mag-aaral ng DHVSU Senior High School. Ngunit, sino ba talaga ang isang Joshua M. Carlos?

Nakapag-aral ako sa isang pribadong paaralan noong Junior High School dahil sa libreng tuition na iginawad sakin at sa mga librong hiniram ko para lamang may magamit ako. Sa awa ng Diyos, natapos ko ang Junior High School ng may pinakamataas na parangal. At ngayon, isa na namang malaking karangalan ang aking natanggap, ang magsalita sa harapan ninyo at maibahagi ang aking munting kwento.

Simula pa lamang ng Senior High School, hindi na naging madali para sa akin ang lahat. Unang araw pa lamang, sobrang dismayado ko na dahil ako, na may Highest Honors noong Junior High School ay nabigong makapasok sa ABM A. Sa mga nakaaalala pa, ako po ‘yung tanging estudyante na nanggaling sa ABM C na inilipat sa ABM A para mabuo ang bilang ng klase. Salamat sa iyo, Sir Layks, hindi pala, Sir SpiderLayks, sa paglipat sa akin.

Mahigit 900 iba’t ibang kwento ng buhay ang mayroon tayo, ngunit ang kwento ko ay maaaring kwento rin ng iba sa inyo. Galing ako sa isang simpleng pamilya—sa isang masalimuot na pamilya. Saktong nakakakain, nakakapag-aral, at nakararaos sa pang-araw-araw na pangangailangan. Musmos pa lamang ako, mulat na ako sa katotohanang hindi na mabubuo pa ang pamilya namin, na kahit anong gawin at subok ko, wala na akong magagawa pa. Iniwan na kami. Iniwan kami sa kadahilanang may nakitang iba. Nag-iwan ito ng markang hanggang ngayon ay hindi maalis-alis. Nag-iwan ito ng puwang na napakahirap punan. Oo, tama po kayo, galing ako sa isang broken family—isang uri ng pamilyang kailanma’y hindi ko ikinahiya.

Hanggang ngayon, narito pa rin ang sakit at galit ko sa kanya dahil bigla na lamang kaming iniwan. Nagdesisyong isang araw na hindi na kami sustentuhan at iniwan lahat ng responsibilidad sa aming ina. Hindi man lang siya nagdalawang isip na sabihing tumigil na lang kami sa pag-aaral. Hindi naging madali ang lahat para sa aming magkapatid dahil ang tanging pangarap lang namin ay makatapos ng pag-aaral pero pilit pa rin itong ipinagkakait.

Sinabi ko sa sarili, hindi rito natatapos ang laban, bumangon ako dala-dala ang pagsusumikap at buong-tapang na hinarap ang isang panibagong bukas. Alam ko na kailanman, hindi magbibigay ng pagsubok ang Panginoon na hindi ko kayang malampasan.

Sa kabila ng mga nangyari, labis pa rin akong nagpapasalamat, dahil kung hindi sa mga pinagdaanan ko sa buhay, wala siguro ako ngayon dito o di kaya’y napakahina ng isa Joshua Carlos na nasa harapan ninyo.

Alam kong hindi lang ako ang may ganitong sitwasyon. Ang lahat ng sakit na nararamdaman ay hindi dapat hayaang maging hadlang o maging dahilan para pabayaan ang pag-aaral, bagkus, gamitin itong inspirasyon para magpatuloy sa buhay. Hindi pa katapusan ng lahat. Ang mga sugat ng nakaraan ang siyang lalong magpapatapang at huhubog sa kung ano at sino tayo ngayon. Hindi naman pala masama ang madapa paminsan-minsan, dahil dito, natututo tayo kung paano magpatuloy at lumaban.

King kanakung mama na menantabe at manantabe kanaku. Ma, saksi ku karing hanggang sakripisyung gewa mu para kekami at ing emu pamagsuku. Balu ku ing sakit a denasan tamu. Sobra kung magpasalamat uling ali ka sinuku at ali mu kami likuan. Balu kung masakit talakad bilang tatang ampong ima kekami. Ngeni ku pa siguru asabi keka ini, Ma, kaluguran daka, sobra. Ekuman madalas asabi ini pero balu mu nung makananu dakang kaluguran.

Ing tutu na ‘yan, eku man pu talaga atumbasan ing lugud ampong sakripisyu ning ima ku. Kaya, eku pu marineng ipakilala ke kekayu ing kakung mama, a ali meg-adwang isip na itaguyud na kami ning kakung kapatad, gang iyamung dili. Para ngan keka ining pamagsumikap ku. Eka migaganaka, pangaku ku keka, na datang ing aldo, etana manupang bale. Gawan ku ing egana gana, para masensu ing kekatang bie.

Nagpapasalamat din ako sa iyo Pa. Kung hindi dahil sa iyo, hindi ako tumapang nang ganito. Kung hindi dahil sa iyo, hindi ako matututong lumaban. Huwag kang mag-alala, hindi ko pababayaan sina Lau at mama, kahit wala ka na.

Sa Diyos, na tumayong tunay na Ama sa akin, maraming salamat po sa lahat ng pagpapala at sa lahat ng pagsubok na ibinigay ninyo upang ako’y maging isang matatag at mabuting tao.

Totoo ngang pagkatapos ng bawat bagyo ay may bahagharing sisikat at magpapaalalang may pag-asa pa sa buhay mo. Aminin man natin o hindi, lahat tayo ay may nararamdamang “kulang.” Ano man ang estado mo sa buhay, mayaman man o mahirap, may kapansanan man o wala, buo man o wasak ang pamilya, bawat isa sa atin na narito ngayon ay mayroong kulang na nararamdaman, pisikal man o emosyonal. Dahil kung nariyan na ang lahat, bakit pa tayo magpapakahirap na hanapin ang ano mang bubuo sa atin?

Ganyan talaga ang buhay ng tao, mapaglaro at madaya. Ilang beses mang madapa at pasukuin ng tadhana, dapat tayong matutong bumangon. Sa bawat pagbangon, sikapin nating maging mas matatag para harapin ang mga susunod pang hamon. Hindi natatapos ang buhay sa minsang pagkabigo at pagkadapa. Ang bawat araw sa buhay natin ay nagbibigay ng pagkakataon na ipagpatuloy ang ano mang ating nasimulan.

Bumangon ka hindi para sa sarili kundi para sa iyong pamilya. Bumangon ka dahil ang pangarap na matagal mong binuo mula pagkabata ay hindi sa panaginip lamang dapat makita. Bumangon ka dahil ang isang matatag at matapang na taong gaya mo, ay hinihintay ng mundo upang magdulot ng pagbabago at magbigay-inspirasyon sa maraming tao.

Carlos, Joshua M.

With Highest Honors

Certified Bookkeeper

Academic Excellence Awardee

Best in Accounting

Best in Work Immersion

Best Research Awardee (Accountancy)

Best Researcher (ABM)


VIEW COMMENTS
DISCLAIMER:

SunStar website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not necessarily reflect the views of the SunStar management and its affiliates. SunStar reserves the right to delete, reproduce or modify comments posted here without notice. Posts that are inappropriate will automatically be deleted.


Forum rules:

Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the discussion. Be coherent. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!

sunstar.com.ph