SECTIONS
Sunday, July 21, 2019
PAMPANGA

Sapnu: Lindol, di pa rin handa ang mamamayan?

DATELINE: Olivas

NOONG Lunes, eksakto 5:11 p.m., nang maganap ang lindol sa Central Luzon. Maraming establisyamento sa rehiyon ang gumuho, partikular sa lalawigan ng Pampanga.

Ang isang supermarket sa bayan ng Porac ang naakpektuhan ng lubos nang gumuho ang gusali nito.

Ilang mga kababayan natin ang na-trap sa nasabing gumuhong supermarket at ang huling report ay umabot sa 5 katao ang namatay doon.

Maging sa bayan ng Lubao, namatay ang mag-ina matapos madaganan ng pader, ayon sa report.

Nang umabot sa report ni P/Brig. Gen. Joel Napoleon Coronel, Police Regional Office-3 (PRO3) director, ang naging epekto ng lindol sa kanyang area of responsibility, aragan itong pinakilos ang Disaster Incident Management Task Group.

Kanya ring inatasan ang lahat ng kanyang Provincial at City police directors para tingnan ang sitwasyon at epekto ng lindol sa kanilang area of jurisdiction.

Personal na pumunta sa bayan ng Porac si Coronel upang tingnan ang naging damage ng gumuhong supermarket at upang magbigay ng instraksyon sa mga PNP personnel na kanyang idineploy doon.

Hanggang madaling araw ay nandoon si Coronel sa bayan ng Porac upang i-assist ang sitwasyon doon.

Maraming government agencies mula sa Metro Manila ang dumating sa Porac upang tumulong sa rescue and retrieval operations.

Habang sinusulat ang kolum na ito, nandoon pa rin ang PNP personnel mula sa PRO3 at ibang sangay ng pamahalaan upang tumulong.

Sa obserbasyon ng mga kababayan natin, marami pa rin sa publiko ang hindi handa sa lindol lalo na sa sinasabing "Big One" dahil sa naganap noong Lunes, maraming nag-panic at hindi alam ang gagawin.

Ito'y sa kabila ng ginagawang Earthquake Drill ng iba't ibang sangay ng pamahalaan.

Ano ba ang naging epekto ng Earthquake Drill sa publiko? Kulang pa rin ba ang kanilang kaalaman? Nagtatanong lang po...

Vista Mall sa Pampanga, malaki ang damage

Kami ni misis ay nanonood noon sa Vista Cinema nang maganap ang lindol. Akala namin ay malikot lamang ang nasa likod namin at gumagalaw ang aming upuan.

Nguni't nang lumakas ito at mukhang dinuduyan kami sa aming upuan, doon na nagtayuan ang mga kasama naming nanonood at kumaripas bumaba sa takot na tamaan ng naglalaglagang ceiling ng Vista Mall cinema.

Si misis ay nag-panic din dahil sa lakas ng lindol dahil nasa 3rd floor ang cinema. Ibig din lumabas at tumakbo, pero sabi ko ay dito lang tayo sa ilalim ng upuan at mas ligtas dito.

Iyong ibang kasama naming nanonood ay nag-panick at nagsitakbuhan palabas ng cinema dahil sa takot nilang tamaan ng mga naglaglagang parte ng kisame.

Mayroon ngang nahilo na isang manonood dahil sa nerbyos at dinala yata ng ambulansya sa malapit na ospital.

Habang palabas kami ni misis sa Vista Mall ay nakita ko ang maraming bitak (crack) sa dingding ng dinadaanan namin.

Gusto kong kuhanan sa aking cellpone camera nguni't di ko na nagawa dahil si misis ay nagkaroon ng nerbyos sa lakas ng lindol.

Hindi ko akalain na magkakaroon ng mga bitak ang mga pader ng hallway ng Vista Mall na kung tututusin ay ilang taon pa lamang itong naitayo.

Mahina ba ang pagkakagawa nito? Nagtatanong lang po...


VIEW COMMENTS
DISCLAIMER:

SunStar website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not necessarily reflect the views of the SunStar management and its affiliates. SunStar reserves the right to delete, reproduce or modify comments posted here without notice. Posts that are inappropriate will automatically be deleted.


Forum rules:

Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the discussion. Be coherent. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!

sunstar.com.ph