PAMPANGA

Sapnu: LPL, malaking kawalan sa CSF

Dateline: Olivas

SA HINDI inaasahang pangyayari ay namatay si Mr. Levi P. Laus nang bumagsak ang sinasakyan nitong chopper sa Barangay Anilao, Malolos City, Bulacan noong Huwebes (April 25).

Kabilang sa namatay ang piloto nito na si Capt. Everette Coronel at ang kanyang long-time driver na si Wilfran Esteban.

Galing ang chopper sa General Aviation hangar at pabalik ito sa Pampanga nang mangyari ang hindi inaasahang sakuna.

Dakong 12:30 nang bumagsak ang helicopter sa isang palaisdaan sa Barangay Anilao at halos totally wrecked ito, ayon sa report ng Bulacan police.

Maraming nabigla at hindi makapaniwala, lalo na ang mga kasamahan nitong mga negosyante sa Pampanga, na kasama si LPL na namatay sa nasabing pagbasak ng helicopter.

Noong panahon ng pagputok ng Pinatubo at lahar flow noong 1991, nakakasama ng Dateline si LPL sa 95.1 RW radio station na noon ay nasa Barangay Dolores pa.

Si pareng Perry Pangan ang station manager, kung saan malimit kami nag-ii-stay doon at palagi namang pumupunta si LPL at nakipapagkuwentuhan pa noon.

Nakasakay na rin ako sa kanyang chopper noong 1993 o 1994 yata at umikot kami sa Pinatubo crater at maging sa paligid nito at karatig bayan, upang tingnan kung hanggang saan pa aabot ang lahar flow.

Kasama ko noong sumakay sina late Joe Marquez, Bert Basa at pareng Perry at siyempre si LPL, na siya ang nagyaya sa amin na umikot sa Pinatubo crater.

Si LPL ang nag-organisa ng Save San Fernando Movement noong panahon ng lahar flow.

Siya rin ang isa sa nakipaglaban na magkaroon ng Megadike upang hindi pumasok sa City of San Fernando ang Lahar Flow.

Marami na sanang gagawin na proyekto para sa City of San Fernando si LPL, kaya lang namatay ito kaagad.

Kahit na multi-billionaire si LPL ay hindi ito mapagmalaki at mapagkumbaba ito kahit kanino man.

Sabi nga ng mga kababayan natin, isang malaking kawalan si LPL sa Pampanga.

May you rest in peace, boss...


VIEW COMMENTS
DISCLAIMER:

SunStar website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not necessarily reflect the views of the SunStar management and its affiliates. SunStar reserves the right to delete, reproduce or modify comments posted here without notice. Posts that are inappropriate will automatically be deleted.


Forum rules:

Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the discussion. Be coherent. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!

sunstar.com.ph