SECTIONS
Monday, September 23, 2019
PAMPANGA

Sapnu: Isang police patrol vehicle, nasunog

DATELINE: Olivas

DITO napapatunayan na mahinang klase ang nabiling mga Mahindra patrol vehicles nang isa sa mga ito’y nasunog habang patungo sa Police Station.

Linggo nang pauwi sina Police Corporal Michael Maun kasama si Patrolman Jerick Lacsa sa Capas Police Station nang masunog ang kanilang Mahindra patrol vehicle.

Binabaybay nila noon ang kahabaan ng national highway nang makarating sila sa Barangay Sto. Domingo 2nd sa bayan ng Capas, mayroon silang naamoy na nasusunog.

Mga ilang minuto, biglang sumiklab ang Mahindra patrol vehicle.

Mabuti na lang at nakababa kaagad sina Maun at Lacsa bago ganap na masunog ang Mahindra vehicle.

Kung inyong matatandaan, panahon ng dating Pangulo nang binili ang mga Mahindra Vehicle.

Sang-ayon sa source ng Dateline, ang unang presyo noon ng Mahindra ay P2.8 milyon.

Nguni’t ito’y ibinaba sa P1.8 milyon at ito ang halaga ng mga biniling mga Mahindra Vehicles, ayon sa source.

Pero mataas pa rin ang halaga nito, ayon sa source, dahil ito’y nagkakahalaga lamang na mahigit P800,000.

Sa laki ng ipinatong na halaga umano sa mga Mahindra naging kontorbersyal noon ito.

Ang laki naman ng kinita ng bumili nito? Nagtatanong lang po...

Kung makikita mo ang mga Mahindra Police Patrol ay talagang mahinang klase mga ito, ayon sa source.

Hanggang kailan pa kaya tatakbo o magagamit ang mga Mahindra Vehicle? Nagtatanong lang po...

Calling DPWH-3

Nanawagan ang mga motoristang dumadaan sa kahabaan ng MacArthur Highway dahil sira na ito.

Sa pagitan ng Barangay Tagulod hanggang mismo sa gate ng Police Regional Office-3 (PRO3), Camp Olivas ay halos sirang-sira na ito.

Ang tagal na ring inirereklamo ng mga motorista lalo na ng mga PNP personnel na pumapasok sa Camp Olivas dahil lubhang malaki na ang mga sirang kalsada.

Hanggang kailan kaya magtitiis ang mga PNP at ibang motoristang dumadaan sa nasabing kalsada? Nagtatanong lang po...


VIEW COMMENTS
DISCLAIMER:

SunStar website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not necessarily reflect the views of the SunStar management and its affiliates. SunStar reserves the right to delete, reproduce or modify comments posted here without notice. Posts that are inappropriate will automatically be deleted.


Forum rules:

Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the discussion. Be coherent. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!

sunstar.com.ph