NOONG Pebrero 18, ginanap ang 19th Philippine National Police (PNP) anniversary celebration sa Police Regional Office-3 (PRO3).

Sa unang pagkakataon, hindi nakarating si Chief PNP Director General Jesus Verzosa sa naturang okasyon dahil umano sa maraming appointments.

For updates from around the country, follow Sun.Star on Twitter

Dapat ang kanyang Police Deputy Director General na si Geary Barias ang magiging representante nito nguni’t hindi rin nakarating sa hindi malaman na kadahilanan. Kaya si Director Eric Javier, chief ng Directorate for Integrated Police Operations (Dipo) Northern Luzon, ang naging reprensantante ni Verzosa sa nasabing pagtitipon.

Ang sabi nga ng kasabihan “the show must go on” kaya kahit hindi nakarating ang pangunahing pandalangal noong PNP Day sa PRO3, natuloy din ang programa at naging “successful.” Maraming dumalong important persons sa pinagdiwang na PNP Day na kung saan ikinatuwa ni Chief Superintendent Leon Nilo dela Cruz, PRO3 director.

Siyempre hindi ganap na kumpleto ang pagdiriwang ng PNP Day kung walang mga awardees. Ang mga nabigyan ng award sa hanay ng “Model Transformation Program” ay kinabibilangan ng Nueva Ecija Police Provincial Office (Model Provincial Police), Olongapo City Police (Model City Police Office), Regional Intelligence Unit-3 (RIO3) (Model National Operational Support Unit), Regional Legal Service-3 (Model National Administrative Support Unit), 303rd Provicnial Public Safety Management Company (Model Provincial Maneuver Unit), Olongapo City Public Safety Management Company (Model City Maneuver Unit), Tarlac City Police Station (Model Urban Police Staion), Sta. Rosa Municipal Police Station (Model Rural Police Station), WCPD, Nueva Ecija Police, San Jose City Police Station and Dinalupihan Police Station.

Ang nabigyan ng ibang award ay kabilang sina Superintendent Homer Penecilla, chief of police Apalit bilang Lead PNP awardee, Superintendent Ervin Gumban, chief ng Regional Investigaiton Detection Management Division bilang Staff Officer, Superintendent David Poklay, chief ng Provincial Intelligence branch ng Bulacan Police bilang Senior Police Commissioned Officer sa larangan ng Field of Operation, Superintendent Sidney Villafor, hepe ng San Jose City Police sa larangan naman ng Field Administration, Senior Insp. Elmer Santiago, hepe ng Hermosa Police bilang Junior Police Commissioned Officer sa Field Operation and Inspector Dennis Orbista, chief ng Pulbic Information Officer ng Bataan bialng Junior Police Commissioned Officer sa field of administration, SPO4 Romel Apuan, Senior Police Non-Commissioned Officer, PO2 Famela Suba, Junior Police Non-Commissioned Offier at Non-Uniformed Personnel na si Nelson Centeno.

Ang nabigyan ng Special Awards ay kabilang sina Rev. Msgr. Eugenio Mercado Jr., Onogapo City Mayor James Gordon, Gapan City Mayor Ernesto Natividad, Engr. Manuel Cruz, Reynaldo Malig, Barangay chairman Danilo Adrias ng San Vicente, Bamban, Tarlac, Nick David, Traffic Enforcer ng City of San Fernando, PNP Special Action Force, Camp Olivas Press Society, BPAT of Barangay Sta. Rita, Olongapo City, Uniliver Philippines, Lions Club 301-D2, Kabalikat Civicom.

P1,500 kada linggo sa mga iligal terminal sa Dolores?

Sa isinagawang pananaliksik ng Intelligence Officer (IO) ng Dateline, mayroon itong natuklsan na limang iligal na terminal na malapit sa flyover sa intersection ng Dolores, City of San Fernando.

Ang nasabing iligal na terminal ay pinamamahalaan umano ng Blue Boys o sabihin natin Yellow Boys. Tutoo kaya ito?

Sang-ayon sa IO, matagal na umano ang nasabing limang iligal na terminal na malapit sa flyover na kung saan ang may rutang Angeles City, Dolores at San Agustin ang pumaparada doon upang mag-pickup ng mga pasahero.

Sabi pa ng IO, ang Blue Boys umano ang nakikinabang sa mga iligal na terminal at umaabot umano sa P1,500 kada linggo ang binibigay sa kanila.

Ang sabi pa ng IO, kada iligal terminal P1,500 ang natatanggap umano ng Blue Boys.

Kung susumahin ang limang iligal na terminal na nagbibigay umano sa mga Blue Boys ay aabot sa P7,500 kada linggo? Gaano po ito katotoo? Nagtatanong lang po.

Ang limang iligal na terminal ay harapan ng Dolores Church, Saver’s Mart, Gasoline Station malapit sa Avon, sa harapan ng McDonald at DAR.

Kung inyo pong maoobserbahan, kapag dumaan kayo sa nasabing iligal terminal malimit nagkakabuhol-buhol ang daloy ng trapiko.

Sana bigyang aksyon ng kinauukulan ang natuklasan ng IO ng Dateline dahil hindi ito maganda sa mata ng tao.