Jennylyn Mercado (Alan Tangcawan)
Jennylyn Mercado (Alan Tangcawan)

Super Ka: Jennylyn Mercado Love pa more sa Mother’s Day!

SI JENNYLYN Mercado ang simbolo sa gugma ug pagpasaylo aron mahibalik ang maayong relasyon sa usa ka pamilya.

Nahimo siyang single mom sa edad nga 21 ug karong bag-o lang nag-reconcile sila sa iyang biological parents human sa taas nga katuigan nga wa silay maayong relasyon.

Mao nang naka-relate pag-ayo karon ang 31-anyos nga Kapuso Ultimate Star sa iyang romantic-comedy primetime series nga “Love You Two” sa GMA kay daw nagsalamin ni sa mga sakripisyo ug gugma niya sa pamilya.

Sa atong Q and A, iyang gipaambit ang pipila sa iyang mga sukaranan sa kinabuhi nga nag-sentro sa gugma sa inahan ug pamilya.

Jennylyn Mercado, Ssssuper Ka!

Saan doon sa character mo na “Raffy” ka nakaka-relate?

Para sa akin doon sa pagmamahal niya sa pamilya niya kasi ganoon siya ka-protective, ganoon siya ka bigay talaga.. binibigay niya lahat para sa family niya kahit na walang natitira sa kanya. Daming sacrifices ni “Raffy” para sa family niya.

In real life, kumusta yung pagiging single mom mo?

Mahirap na masarap. Mahirap kasi ikaw lang mag-isa pero kaya... kaya naman. Masaya dahil nakikita mo na napapalaki mo ng mag-isa yung anak mo na mabait, magaling, matalino, God-fearing. Talagang ano ako, very proud. Ang sarap ng pakiramdam na napapalaki ko yung anak ko ng maayos, matino, na ako lang mag-isa.

By the way, naa pa ba ka’y contact sa imong mga paryente sa Cebu?

Opo. Actually, may ipapatayo kaming bahay sa Guadalupe kasi may lote doon yung tatay ko (Noli Pineda). Sa ngayon kasama ko siya sa Manila. Wala na man siya mobalik og banda sa Korea.

Karong Mother’s Day asa mo?

Kailan ba yung Mother’s Day? May 12? Ah sakto nasa Dubai ako niyan kasama ko yung mother ko (Jinkee Mercado). Ano lang siguro dinner, ilalabas ko lang yung nanay ko kasi itong taon na `to parang January pa kami nagkita tapos May na ulit, baka December na ulit kami magkita. Since bata pa ako doon na kasi siya nag-based.

What’s your piece of advice doon sa mga single mom?

Kailangan maging matapang sila, magiging matatag. Walang problemang hindi masusolusyonan. Lahat ng mga problema binibigay sa `yo yan kasi alam ni God na kaya mo. Maraming mga taong sumusuporta sa kanila hindi lang sila nag-iisa porke’t wala silang partner. Andiyan yung mga magulang nila, andiyan yung mga kaibigan nila. So wag silang mawawalan ng pag-asa at wag nilang pababayaan yung mga sarili nila, yun yung importante kasi pag pinabayaan mo yung sarili mo, di mo na rin maalagaaan yung anak mo. Importanteng mahalin mo rin yung sarili mo.

Advice to actresses who choose to hide their pregnancy?

Siguro ano e... may kanya-kanya tayong rason kung bakit natin ginagawa yung isang bagay, may kanya-kanya tayong diskarte at desisyon sa buhay. Kailangan i-respeto na lang natin.

Kumusta katrabaho si Gabby Concepcion sa “Love You Two?”

Masaya. Sobrang cool ni Kuya Gabby katrabaho kasi hindi mo napi-feel na ano siya e... sobrang tagal na niya talagang artista. Sobrang down to earth, talagang kakausapin ka niya, ini-entertain ka niya at dami niyang jokes. Gagawin ka niya talagang kumportable sa set. Sarap katrabaho.

What about si Clint Bondad?

We are very open and ano siya.. madaling matuto at friendly. Inaaliw niya ako sa set palagi dami niyang kuwento. Iba-iba kung ano lang yung maging topic namin.

Would there be a chance na magkakagusto ka sa older guy?

Ahmm... oo naman, bakit hindi. Kasi di ba kung talagang... ang love naman wala namang pinipiling edad yan. At tsaka importante aalagaan ka, di ba? Mamahalin ka at tsaka totoo siya sa `yo.

How old na ba si Dennis Trillo?

Ano... medyo... older yata siya sa akin ng 6 years? Nagka-count kasi ako sa mind ko e. Bakit alam nyo ba yung totoong age niya? Hahaha...

Wedding plans?

Wala... wala pa talaga. Marami pa kaming mga kailangang gawin sa buhay. `Di pa mi ready.

Related Stories

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph