PAMPANGA

Sapnu: PRO-3, handa na sa Monday elections

DATELINE: Olivas

HANDA na ang mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) sa Police Regional Office (PRO)-Central Luzon.

Ito ang ipinahayag ni Police Brigadier General Joel Napoleon Coronel, PRO-Central Luzon director, kasabay ng pag-deploy ng mga pulis sa iba't ibang lalawigan at lungsod sa Central Luzon.

Umaabot sa 9,297 mga PNP personnel mula sa iba't ibang Police Provincial at City police offices sa rehiyon ang idineploy, ayon kay Coronel.

Ang mga ito ay itatalaga sa mga iba't ibang polling centers sa Central Luzon, pahayag pa ni Coronel.

Ang mga ito ay nakatalaga sa mga polling centers hanggang matapos ang pagboto sa Monday elections, ayon pa kay Coronel.

Bago ideploy noong isang araw ang mga PNP personnel, binigyan ng allowances ang mga ito, ayon kay Police Colonel Rhoderick Armamento, deputy director for Operations.

Kinausap at binigyan ng "instructions" ni Armamento ang idineploy na mga PNP personnel.

Sa harap ng Administrative Building ng PRO-Central Luzon headquarters kinausap ni Armamento ang mga idedeploy ng mga pulis.

Sang-ayon kay Armamento, ang mga pulis ay magbabantay sa mga polling centers sa iba't ibang lalawigan at lungsod sa rehiyon upang matiyak na maging peaceful and orderly ang Monday elections.

Samantala, noong Martes ay nakita ng Dateline si Lieutenant Colonel Levi Hope Basilio, chief of police ng City of San Fernando, na naglilibot sa mga paaralan upang mag-inspeksyon.

Siya'y nasa San Isidro Elementary School nang mapansin ng Inyong Lingkod ang pag-iinspeksyon.

***

Si Kyanne Marie Sapnu ay kabilang sa mga Successful Qualifiers for Owwa Education for Development Scholarship Program (EDSP) SY 2019.

Si Kyanne ay anak nina Ernie Sapnu at Sette na nagtatrabaho sa Saudi Arabia.

Sa Saudi nag-aral si Kyanne at doon di siya kumuha ng examination.

Congrats, pamangkin...


VIEW COMMENTS
DISCLAIMER:

SunStar website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not necessarily reflect the views of the SunStar management and its affiliates. SunStar reserves the right to delete, reproduce or modify comments posted here without notice. Posts that are inappropriate will automatically be deleted.


Forum rules:

Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the discussion. Be coherent. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!

sunstar.com.ph