SECTIONS
Monday, June 24, 2019
PAMPANGA

Sapnu: Eleksyon sa Central Luzon, payapa at maayos

DATELINE: Olivas

NAGING payapa at maayos ang isinagawang midterm elections sa Central Luzon.

Ito ang ipinagmamalaki ni Police Brigadier General Joel Napoleon Coronel, Police Regional Office (PRO)-Central Luzon director, makaraang walang naganap na malaking election-related incidents sa kanyang area of responsibility.

Sang-ayon kay Coronel, may tatlong naiulat na election-related incidents mula noong Enero at ito’y ukol sa liquor ban, vote buying at vote selling.

Walong katao ang naaresto sa vote buying at selling sa Pampanga at Tarlac. May isang flying voter din ang naaresto sa Pampanga.

Umaabot naman sa 68 na katao ang naaresto sa paglabag sa liquor ban.

Matatandaang umaabot sa 9,297 na mga pulis ang ideneploy sa iba’t ibang polling precincts sa pitong lalawigan at dalawang lungsod sa Central Luzon.

Idineploy ni Police Colonel Rhoderick Armamento, deputy regional director for operation (DRDO), ang nasabing bilang ng mga pulis.

Halos isang linggo silang nagbantay sa mga iba’t ibang polling precincts at hindi umuwi o umalis sa kanilang mga puwesto.

At kahapon lamang sila nakauwi o nakabalik sa kani-kanilang mga police units.

Dahil sa ginawang pagbabantay ng mga pulis sa mga polling precincts ay naging payapa at maayos ang National at Local elections.

Pinuri naman ni Coronel ang lahat ng mga Provincial at City police directors sa kanilang “good job”.

Congrats sir (Coronel) sa maayos at mapayapang midterm elections...


VIEW COMMENTS
DISCLAIMER:

SunStar website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not necessarily reflect the views of the SunStar management and its affiliates. SunStar reserves the right to delete, reproduce or modify comments posted here without notice. Posts that are inappropriate will automatically be deleted.


Forum rules:

Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the discussion. Be coherent. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!

sunstar.com.ph