PAMPANGA

Sapnu: Maayos ang eleksyon sa City of San Fernando

DATELINE: Olivas

SA NAGANAP na midterm elections noong Lunes, naging maayos at payapa ang sitwasyon sa City of San Fernando.

Ito ang ipinagmalaki ni Police Lieutenant Colonel Levi Hope Basilio, chief of police ng City of San Fernando, makaraang walang untoward incidents na nangyari sa kanyang area of responsibility.

Ito’y dahil na rin sa mga ipinakalat na mga pulis sa iba’t ibang polling precincts sa lungsod tatlong araw bago ang Monday elections, ayon pa kay Basilio.

Talagang 24/7 nagbantay ang mga pulis nito sa mga polling precincts kaya naman maganda ang naging resulta ng seguridad sa lungsod.

Sa init na araw noong Monday elections, hindi umalis sa mga puwesto ang mga pulis at talagang nagbantay ang mga ito.

Araw na ng Miyerkules nang magsibalikan sa kanilang police units ang mga pulis na nag-duty noong eleksyon.

Kaya naman naging maayos at tahimik ang eleksyons sa lungsod.

Nanalo sa pagka-mayor sa City of San Fernando si re-electionist Mayor Edwin Santiago. Congrats mayor...

PRO-Central Luzon, inilunsad ang ‘Kaligkasan’

Noong Biyernes ay inilunsad ng PRO-Central Luzon PNP ang “Kaligkasan” na kung saan umaabot sa 500 volunteers ang dumalo.

Ginanap ang nasabing launching sa PANA hall sa Camp Olivas kung saan ang dumalo ay mga volunteers mula sa iba’t ibang lalawigan at lungsod sa rehiyon.

Ang nasabing programa ay upang matiyak ang seguridad at pagprotekta sa environment sa mga tourists destinations sa Central Luzon, ayon kay P/Brig. Gen. Leonardo Cesneros, Deputy Regional Director for administration.

Layunin ng “Kaligkasan” ay pag-isahin ang ating Kapulisan at ang komunidad upang suportahan ang adbokasiya ng ating pamahalaan na protektahan at pangalagaan ang ating kapaligiran at mga likas na yaman kasabay ng ating pagbibigay seguridad sa ating mga turista, ayon pa kay Cesneros.

Si Department of Environment and Natural Resources (DENR)-Central Luzon assistant director Arthur Capuyon Salazar ang magiging “environmental law enforcer”. Ang volunteer program ay pinangungunahan ng PNP-Police Community Affairs and Development Group.


VIEW COMMENTS
DISCLAIMER:

SunStar website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not necessarily reflect the views of the SunStar management and its affiliates. SunStar reserves the right to delete, reproduce or modify comments posted here without notice. Posts that are inappropriate will automatically be deleted.


Forum rules:

Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the discussion. Be coherent. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!

sunstar.com.ph