SECTIONS
Thursday, June 27, 2019
PAMPANGA

Sapnu: ‘Revamp’ sa PNP, inaasahan

Dateline: Olivas

NITONG bago Oktubre ay maaaring magkaroon ng “revamp” sa hanay ng mga police officer sa Philippine National Police (PNP).

Ang nasabing “revamp” ay malawakan, dahil maraming tatamaan na mga Provincial at City police directors sa iba’t ibang rehiyon sa bansa.

Mayroon ding mga police officers sa National Police Headquarters sa Camp Crame ang maaaring masama sa revamp, ito’y ayon sa nakalap ng impormasyon ng intelligence officer (IO) ng Dateline.

Sa Central Luzon, ang mga maaaring tamaan sa revamp ay ilang mga Provincial at City police directors, ayon sa IO.

Maging ang mga Chief of Police sa bawat lalawigan at lungsod sa Central Luzon ay maaapektuhan sa revamp.

Malaking epekto sa revamp ang mga bagong halal na mga gobernador o alkalde, ayon sa IO.

Ang mga chief of police na tatamaan sa revamp ay kung iyong dating alkalde ay natalo sa Midterm elections. Ito ang SOP kapag ang dating mong pinaglilingkurang alkalde ay natalo sa eleksyon, siyempre iyong bagong halal ay maghahanap ng bago nitong hepe.

Kagaya sa Zambales, natalo si Gob. Amor Deloso at si Gob. Hermogenes Ebdane ang nanalo. Sa SOP, ang bagong gobernador ang may karapatan kung sino ang ibig nitong maging bagong Police director.

Sang-ayon sa IO, maraming mga police officers ang naglalakad upang manatili sa kanilang puwesto.

Abangan po natin kung sino-sino ang maapektuhan sa malawakang “revamp.”


VIEW COMMENTS
DISCLAIMER:

SunStar website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not necessarily reflect the views of the SunStar management and its affiliates. SunStar reserves the right to delete, reproduce or modify comments posted here without notice. Posts that are inappropriate will automatically be deleted.


Forum rules:

Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the discussion. Be coherent. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!

sunstar.com.ph