DATELINE: Olivas

PRO-11 si Chief Superintendent Rosario

Isang masayang araw noong Lunes kay Chief Superintendent Wendy Rosario, deputy regional director for administration dahil nakuha niya ang pinamimithi ng lahat ng mga general na maging Regional Director.

Dakong hapon ng Lunes nang matanggap ni Rosario ang “order” mula sa National Police Headquarters sa Camp Crame, Quezon City sa kanyang pagtatalaga bilang Regional Director ng Police Regional Office-11 (PRO-11).

Hindi mo maipinta sa mukha ni Rosario sa labis nitong saya nang matanggap nito ang “order” mula kay Chief PNP Director General Alan Purisima sa bago nitong “assignment” as Regional Director (RD) ng PRO-11.

Maging ang mga Directorial Staff ni Chief Superintendent Raul Petrasanta, Police Regional Office-3 (PRO3) director ay natutuwa sa “break” na natanggap ni Rosario.

Sabi nga nila, “deserved” ni General Rosario ang PRO-11 at dapat noon pa siya naupo o naitalaga bilang RD.

Halos apat na taon namalagi si Gen. Rosario sa PRO3 na kung saan ang una nitong “assignment” as Deputy Regional Director for Operations (DRDO).

Dalawang taon siyang nagsilbing DRDO bago ito nalipat as DRDA at dito niya nasungkit ang STAR nito.

Limang PRO3 regional director ang naging “boss” noon ni Gen. Rosario. Ang mga ito ay sina Chief Superintendents Nilo dela Cruz, Errol Pan, Alan Purisima, Edgardo Ladao at sa kasalukuyan si Petrasanta.

Sa tagal nito sa PRO3 naging “close” ng Dateline si Rosario at maituturing ko siya na matulungin at “approachable” na general.

Binigyan naman ng isang “despedida party” ni Petrasanta si Rosario na ginanap sa Multi-Purpose Hall sa Camp Olivas. Ang lahat ng mga provincial at city police director sa rehiyon ay dumalo sa nasabing party.

Noong Martes ginanap ang turn-over ceremony sa PRO-11 headquarters na kung saan pinalitan ni Rosario si Chief Superintendent Wency Pascual na nakatakdang magreretiro nitong Mayo 28.

Si Pascual ay nabibilang sa Philippine Military Academy (PMA) Class ’81 at si Rosario naman ay Class ’82.

Nang makausap ng Dateline si Rosario sa nasabing pagtitipon biniro pa tayo na papasok na si Wendy at paalis na si Wency. Biro pa niya…

Biro mo ang pagkakataon halos magkatugma ang kanilang pangalan. Iyung Cy napalitan lang ng Dy....

Gen. Rosario good luck at Mabuhay!

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph