Sapnu: PRO3 handa na sa pagbubukas ng klase

HANDA na ang Police Regional Office-3 (PRO3) sa pagbubukas ng klase ngayon (Lunes), Hunyo 3, 2019.

Ito ang ipinahayag ni P/Brig. Gen. Joel Napoleon Coronel, PRO3 director, kasabay ng kanyang pagtitiyak na magiging maayos ang pagbubukas ng klase ngayon.

Ito’y naaayon sa pinatutupad na IMPLAN 22/2019 Ligtas Balik-Eskwela 2019 mula sa PNP National Headquarters, ayon pa kay Coronel.

Sa madaling araw ngayon (Lunes) nakadeploy na ang mga pulis sa iba’t ibang paaralan sa rehiyon, ayon pa kay Coronel.

Umaabot sa 3,394 na mga pulis ang nakadeploy sa pitong lalawigan at dalawang lungsod sa Central Luzon upang magbigay siguridad sa mga papasok at sa publiko.

Mayron din Police Assistance Desks na binubuo ng isang police team sa mga paaralan para kung sakaling magkaroon ng untoward incidents kagayan ng hold-up, pocketing, snatching, drug pushing lalo na kidnapping.

Inatasan din ni Coronel ang lahat ng mga Provincial at City police director na bisitahin ng mga hepe nila ang mga paaralan sa kanilang area of jurisdiction at makipag koordinasyon sa mga school officials.

Tutulong din ang mga nasabing mga pulis sa pag-aayos ng trapik na kung saan inaasahan na ang pagdagsa ng maraming motorista na maghahatid sa mga mag-aaral.

Inatasan din ni P/Col. Kerby Kraft, Regional Commander ng Highway Patrol Unit-3 ang lahat ng kanyang Field Commander sa rehiyon na tumulong mag-assist sa mga traffic enforcers sa iba’t ibang lalawigan para maging maayos ang trapik.

Lahat ng Highway Patrol Field mobile ay nakadeploy din sa mga pangunahing lansangan sa rehiyon upang iasiste ang mga motorist.

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph