Sapnu: 'No untoward incidents' sa unang araw ng pagbubukas ng klase

DAHIL sa mahigpit na ginawang siguridad ng Police Regional Office (PRO) Central Luzon noong unang araw ng pagbubukas ng klase, iba’t ibang lalawigan at lungsod na “walang naiulat na nangyaring anumang insidente.”

Ito ang pinagmamalaki ni Police Brigadier General Joel Napoleon Coronel, PRO regional director, na kung saan naging mapayapa at maayos ang unang araw ng pagpasok ng mga mag-aaral.

Lahat ng mga provincial at city police directors sa rehiyon ay walang naiulat na “untoward incidents” sa kani-kanilang area of jurisdiction, ayon pa kay Coronel.

Kung baga ayon kay Coronel “zero crime incident.”

Sa mahigpit na pagtutupad ng mga pulis upang matiyak ang kaligtasan at siguridad sa mga mag-aaral, naging maaayos ang Monday opening of classes.

Naging epektibo ang pagtatalaga namin ng mahigit 3,000 PNP personnel sa iba’t ibang paaralan sa Central Luzon kaya naging maayos ang lahat, ayon pa kay Coronel.

Ang mga Police Assistance Desks at Motorist Assistance Centers ay nasa areas ng bawat paaralan hanggang sa Hunyo 13.

Kontrobersyal traffic light sa Vista Mall

Maraming nakakapuna sa traffic light na itinayo ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Central Luzon sa harapan ng Vista Mall sa Barangay Dolores, City of San Fernando.

Karamihan ng mga motorista ang nagrereklmo na sa nasabing traffic light doon dahil lalong nagiging sanhi ito ng mahabang trapik.

Kung minsan nga daw, kung galing ka ng Angeles City, iyong haba ng motorista ay mula sa Barangay San Isidro hanggang sa Vista Mall.

At kung galing ka naman sa City of San Fernando, mula naman sa St. Jude hanggang sa Vista Mall.

Yes, ganito po ang naoobserbahan din ng Dateline, mula nang itinayo ng DPWH Central Luzon ang traffic light sa harapan ng Vista Mall naging sanhi ito grabeng trapik dyan sa area na iyan.

Kung tutuusin, hindi dapat nagtayo ng traffic light ang DPWH Central Luzon sa harapan ng Vista Mall dahil hindi naman ito isang "intersection."

Sa tingin ng Inyong Lingkod, binigyan ng pabor ng DPWH Central Luzon authority ang Vista Mall dahil sa kanilang allegedly Bossing...

Sang-ayon sa police officer, kung minsan nagiging dahilan pa ito ng aksidente.

Dapat lamang na bigyan aksyon ng City Government ang nasabing traffic light dahil nagiging sanhi ito ng mahabang trapik lalo na itong pasukan ng mga mag-aaral sa St. Scholastica.

Umakasyon naman po kayo sa reklamo ng mga motorista.

Karapat-dapat ba magtayo o maglagay ng Traffic Light sa harapan ng Vista Mall? Nagtatanong lang po.

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph