Sapnu: Traffic Light sa Vista Mall nirereklamo na?

HANGGANG ngayon wala pa rin ginagawang aksyon ang Department of Public Works and Highways (DPWH3) sa nirereklamo ng mga motorista sa itinayo nilang Traffic Light sa harapan ng Vista Mall sa Barangay Dolores, City of San Fernando.

Mula nang ikinabit o itinayo ng DPWH3 ang nasabing Traffic Light nagsimula na ang kalbaryo ng mga motorista na dumadaan ditto.

Sang-ayon sa mga nakausap ng Dateline, kapag nanggaling ka sa Angeles City kung minsan umaabot hanggang Barangay San Isidro ang haba ng trapik dahil sa Traffic Light.

Kung galing ka naman sa City of San Fernando halos umaabot sa St. Jude hanggang Vista mall, ayon sa mga drayber ng mga pampasaherong jeep.

Noong unang araw ng pasukan, labis ang grabeng trapik ang naranasan ng mga motorista sa Traffic Light.

Sa ngayon di pa nagbubukas ang St. Scholastica school, mas lalong magiging grabe ang trapik kapag nagsimula na ang klase doon.

Itanayo ng DPWH3 ang nasabing Traffic Light dahil umano sa utos ng kanilang Bossing? Nagtatanong lang po.

Hindi naman isang Intersection ang nabanggit na lugar e kung bakit nilagyan ito ng Traffic Light.

Dahil ba para bigyan ng PABOR ang Vista Mall. Nagtatanong lang po.

Naitanong ko na minsan sa City of Government kung sila ang nagpalagay ng nasabing Traffic Light, ayon sa source ang DPWH3 umano ang nagtayo nito.

Magkano naman kaya ginastos ng DPWH3 para maitayo ang Traffic Light.

Bakit iyong sirang kalsada ang kanilang gawin at hindi mga Traffic Light? Nagtatanong lang po.

Iyong nga kalsada patungong PNP headquarters sa Camp Olivas mula sa Barangay Tagulod hanggang sa gate ng kampo ay hindi nila maayos.

Ang ginagawa ng DPWH3 tapal at madalas naka-alsa pa ito hindi pantay sa kalsada.

Bakit hindi na lamang aspaltuhin ito? Nagtatanong lang po.

Huwag ninyong sabihin na wala ito pondo. Bakit iyong Traffic Light sa harapan ng Vista Mall ay nabigyan ninyo po ng pondo. Nagtatanong lang po.

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph