PAMPANGA

Sapnu: Tatlong police director, masisibak?

Dateline: Olivas

MAAARING ma-relieve sa kanilang mga puwesto ang tatlong provincial police director.

Ito ang nakalap na impormasyon ng Intelligence Officer (IO) ng Dateline kung saan inaasahan na umano na matanggal sa kanilang puwesto ang tatlong provincial directors.

Maraming kadihalanan kung bakit mare-relieve ang tatlong P/Col., ayon sa IO.

Karamihan daw sa kanila ay “palpak” umano na trabaho sa kanilang area of responsibility, ayon pa sa IO.

Iyong iba naman daw ay dahil bago na ang uupong gobernador, ayon pa sa IO.

Kaya naman, ayon sa IO, kanya-kanya na ang lakad ng tatlong P/Colonel upang di siya masibak o ma-relieve sa kanilang puwesto.

Mayroon na umanong pumunta kay Chief PNP o hahanap ng malalapit na “backer” para sa bagong upong gobernador, ayon pa sa IO.

Maaaring mangyari ang nasabing pagsibak dahil sa pag-upo ng mga bagong gobernador at kung maaayos pa nila ang ginawa nilang kapalpakan, ayon pa sa IO.

Ang siste nito, kapag bago na ang provincial police director, damay na rin ang mga Chief of Police.

Siyempre, ayon sa IO, iyon mga bata ng bagong upong police director ang kanyang ilalagay sa Police Stations.

Abangan na lang po kung sino-sino ang tatamaan ng nasabing pagsibak...


VIEW COMMENTS
DISCLAIMER:

SunStar website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not necessarily reflect the views of the SunStar management and its affiliates. SunStar reserves the right to delete, reproduce or modify comments posted here without notice. Posts that are inappropriate will automatically be deleted.


Forum rules:

Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the discussion. Be coherent. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!

sunstar.com.ph