SECTIONS
Thursday, July 18, 2019
PAMPANGA

Sapnu: 7 tao napatay sa engkwentro?

Dateline: Olivas

NITONG nakaraang Huwebes, Hunyo 13, pitong katao pinaghihinalang mga holdaper ang napatay ng Philippine National Police (PNP).

Madaling araw ng mapatay ng Bacolor Police ang dalawang holdaper sa Barangay Cabetican.

Batay sa report, apat na unidentified gunmen sakay ng isang Toyota Hi-Lux at isang Yamaha Mio umano’y hinoldap ang isang gasoline station sa Barangay Sta. Ines, Bacolor.

Kaagad nakatawag sa Bacolor police ang mga biktima na hold-up kaya naman nakaresponde ang mga ito.

Nasabat ng PNP ang Toyota Hi-Lux na kung saan nagkaroon ng palitan ng putok. Napatay ng Bacolor police ang dalawang suspek na sina Ariel Moquil ng Mountain province at Dexter Tinguey ng Baguio City.

Ang dalawang suspek sakay ng motorsiklo ay nakatakas sa mga otoridad.

Narekober sa dalawang napatay na suspek ang isang calibre 45 isang .22 caliber revolver mga bala, apat na sachets ng shabu, dalawang cellpones at ang Toyota Hi-Lux.

Apat na umano’y holdaper ang napatay ng Apalit police matapos mang-holdap ng isang convenience store sa Barangay San Vicente, Apalit.

Nahabol umano ng Apalit police ang nangholdap sakay ng isang Toyota Innova sa Barangay Sulipan at nagkaroon ng palitan ng putok.

Napatay ang apat na holdaper na hanggang ngayon di pa nakikilala ng PNP.

Narekober sa napatay ang dalawang kalibre .45, isang kalibre .9mm pistol at ang Innova.

Noong nakaraang Martes (Hunyo 11) , isang di-kilalang gunman ang napatay sa isang checkpoint sa Barangay San Joaquin, Sta. Ana, Pampanga.

Ang suspek sakay ng isang Yamaha RS100T ang hinabol ng PNP matapos di siya huminto sa checkpoint na kung saan ng palitan ng putok.

Napatay ang di-kilalang gunman, batay sa report.

Isang kalibre .38, isang fan knife at tatlong sachet ng shabu and motorcycle ang narerkober ng PNP.

Mukha yatang sabay-sabay ang engkwentro sa umano’y mga holdaper.

Ito’y ba upang magkaroon lamang ng isang “accomplishment.”? Nagtatanong lang po.

At bakit naman iyong dalawang suspek na sakay ng isang Yamaha Mio na nakatakas sa mga pulis sa Bacolor ay wala pang follow-up report? Nagtatanong lang po.

Nasaan na ba sila? Nagtatanong lang po.


VIEW COMMENTS
DISCLAIMER:

SunStar website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not necessarily reflect the views of the SunStar management and its affiliates. SunStar reserves the right to delete, reproduce or modify comments posted here without notice. Posts that are inappropriate will automatically be deleted.


Forum rules:

Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the discussion. Be coherent. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!

sunstar.com.ph