Sapnu: DPWH-3 ano ba aksyon ninyo sa traffic light sa harap ng Vista Mall?

SA DAMI ng mga nagrereklamo motorista sa inilagay na Traffic Light ng Department of Public Works and Highways (DPWH-3) sa harap ng Vista Mall hanggang ngayon wala pa aksyon ginagawa ang mga opisyales nito.

Sang-ayon sa mga nakausap na mga motorista ng Dateline, simula nang itinayo ng DPWH3 ang nasabing Traffic Light naging sanhi ito ng grabeng trapik sa nasabing kalsada.

Kung papunta ka sa city proper ng City of San Fernando ang trapik ay mula sa Barangay San Isidro hanggang sa traffic light.

At kung papunta ka ng Angeles City ang trapik magsisimula sa harapan ng San Agustin church.

Ito ang dinaranasan ng mga motorista kapag malapit na sila sa harapan ng Vista Mall.

Kaya naman nanagawagan ang mga motorista sa DPWH3 na tanggalin ang Traffic Light dahil nagiging dahilan ng grabeng trapik sa nasabing lugar.

Isang Police Major ang nagreklamo sa nasabing Traffic Light sa harap ng Vista Mall dahil doon siya binangga ng isang behikulo.

Kung wala ang nasabing Traffic Light baka hindi raw siya binangga dahil hindi daw akalain ng nakabangga nito na nagkaroon ng trapik light doon.

Kung hindi magawa ng DPWH3 opisyal na tanggalin ang Traffic Light dahil inutos ito ng kanilang pinaka-boss nila e dapat daw aksyonan naman ng City Government ang karaingan ng mga motorista.

Ang itinayong Traffic Light ng DPWH-3 ay upang bigyan pabor ang Vista Mall? Nagtatanong lang po...

At hindi man lamang pinag-isapan nito na ito’y magiging sanhi ng grabeng trapik at kung minsan aksidente. Nagtatanong lang po...

At isa pa hindi naman karapat dapat magtayo ng Traffic Light doon dahil hindi ito “intersection.”

Hihintayin po ng mga motorista ang aksyon ninyo (DPWH-3).

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph