Sapnu: Trapik sa harap ng Vista Mall at St. Scholastica

DAHIL pasukan na ng mga mag-aaral, sobrang trapik ang nararanasan ng mga motorista.

Ang resulta, karamihan sa mga estudyante at nagtatrabaho ay palaging naaatraso sa kanilang mga paaralan at pinapasukan.

Naging dahilan ng heavy traffic ang traffic light sa harapan ng Vista Mall at St. Scholastica’s Academy.

Simula nang inilagay o itinayo ng DPWH-Central Luzon ang nasabing traffic light ay naging sanhi na ito ng matinding trapik doon.

At maging sa St. Scho, ang dahilan ay ang mga behikulo na naghahatid sa mga mag-aaral.

Lalo na kapag oras ng labasan ng mga mag-aaral sa nasabing paaralan, sabay-sabay ang mga ito kaya grabeng trapik ang nararanasan ng mga motorista.

Sang-ayon kay Retired P/Col. Danilo Bautista, chief ng traffic enforcer, tuwing 6 a.m. hanggang 8 a.m., stop muna ang traffic light sa harapan ng Vista Mall.

At sa oras ng hapon naman simula 4 p.m. hanggang 6 p.m. ay naka-stop din ang traffic light.

Ang ibig sabihin nagbi-blink lang nasabing traffic light.

Ang panukala naman ni Police Lieutenant Colonel Levi Hope Basilio, hepe ng City of San Fernando police sa St. Scho, dapat ang mga behikulo na lumalabas sa nasabing paaralan ay pumunta muna sa San Miguel Complex at doon mag-u-turn.

Ito’y para maiwasan ang grabeng trapik na nararanasan doon ng mga motorist, lalo na ang mga pampaseherong jeep. Dahil sa sobrang trapik, ang mga drayber ng mga pampasaherong jeep ay nababawasan.

Ito ang magandang panukala ni hepe upang maibsan ang grabeng trapik sa St. Scho.

Sang-ayon sa mga nakausap na mga motorista ng Dateline, dapat daw huwag nang paandarin pa ang traffic light sa harapan ng Vista Mall.

Kayo po, ano ang magandang solusyon sa grabeng trapik sa harapan ng St. Scho at harapan ng Vista Mall? Nagtatanong lang po...

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph