SECTIONS
Sunday, September 22, 2019
PAMPANGA

Sapnu: Kampanya sa illegal drugs nangunguna ang Nueva Ecija police

DATELINE: Olivas

SA KASALUKUYANG nangunguna ang Nueva Ecija Police Provincial Office sa kampanya laban sa droga.

Ito’y batay sa mga report na pinararating ng iba’t ibang Provincial Police Offices sa Police Regional Office (PRO3) regional headquarters.

Simula nang Abril hanggang sa buwan ito, umaabot na sa mahigit 40 suspected shabu pushers ang napapatay ng Nueva Police.

Hindi na rin mabilang ang mga naaaresto mga drug suspects ang Nueva Ecija police.

Kaya naman halos ang mga piitan ng bawat police station sa naturang lalawigan ay napuno na rin ang mga ito.

Pumapangalawa naman ang Bulacan Police Provincial Office sa bilang ng napapatay na drug suspects, batay sa report.

Marami din itong naaarestong mga drug suspects ang Bulacan police.

Matatandaan ang Bulacan police ang nangunguna noon sa kampanya laban sa illegal drugs.

Subali’t nitong nakaraang buwan nahigitan ng Nueva Police and Bulacan police sa bilang ng mga drug suspects napapatay.

Batay sa report ang mga napapatay na mga drug suspects ay lumaban sa mga otoridad makaraang matuklasan nila ang mga katransakyon nila ay mga pulis.

Pangato naman ang Tarlac Police Provincial Office sa bilang ng casualties na mga drug suspects. Ito’y batay pa rin sa mga report na pinararating sa PRO3 headquarters.

Dahil sa pinaigting na kampanya laban sa illegal drugs ng iba’t ibang Provincial Police Offices sa Central Luzon, ang PRO3 ang nangunguna sa kampanya nito sa laban sa droga.

Si P/Col. Victor Leon Rosete ang Nueva Ecija police provincial director at si P/Col. Chito Bersulana ang Bulacan police samantalang si P/Col. ang bagong acting provincial director ng Tarlac Police.


VIEW COMMENTS
DISCLAIMER:

SunStar website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not necessarily reflect the views of the SunStar management and its affiliates. SunStar reserves the right to delete, reproduce or modify comments posted here without notice. Posts that are inappropriate will automatically be deleted.


Forum rules:

Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the discussion. Be coherent. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!

sunstar.com.ph