PAMPANGA

Sapnu: Robbery/hold-up sa CL rampant???

DATELINE: Olivas

NITONG sunod-sunod na nakaraang buwan, maraming insidente ng robbery/hold-up sa Central Luzon.

Karamihan sa mga hinoholdap ay mga cigarettes salesman at maging mga establistamento, ayon sa intelligence officer (IO) ng Dateline.

Maging sa loob ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) ay mayroon na rin naiuulat na robbery/holdup doon.

Subali’t ang rampant robbery/holdup ay nangyayari sa mga salesman ng Philip Morris Fortune Tobacco Corporation, ayon pa sa IO.

Sa mga nakaraang buwan nitong taon, ilan na rin ang naganap na robbery/holdup sa mga salesman ng Philip Morris kabilang na sa lalawigan ng Bulacan, Nueva Ecija, Tarlac at Pampanga.

Ilan lamang ang nilooban at napagnakawan ay ang LYL skin Treats Aestics Center sa Barangay San Agustin Castillejos, Zambales; sa Gapan City, isang Rice Mill sa Nueva Ecija; hold-up incident sa San Rafael Bulacan; sa Victoria, Tarlac; Sta. Rita, Pampanga; isang drug store sa Dinalupihan, Bataan at Angeles City. Ang mga ito sa loob lamang ng buwan ng Hunyo.

Noong MayO 30, hinoldap ang salesman ng Philip Morris sa Barangay Virgen Delas Flores, Baliwag, Bulacan. Ang salesman at driver nito ay kasalukuyang nangongolekta sa isang tindahan nang ang mga suspek sakay ng isang Suzuki Raider at sabay tinutukan ang mga ito.

Lahat ng daily sales collection ng salesman ay natangay ng riding-in-tandem gunmen.

Noong Hulyo 8, naholdap din ang salesman ng Philip Morris sa Barangay Mandili, Candaba, Pampanga. Riding-in-tandem din ang mga nangholdap sakay ng isang Yamaha sniper. Umaabot sa P200,000 ang natangay ng mga suspek.

Sang-ayon sa IO, simula buwan ng Enero, malimit na ang robbery/holdup sa mga salesman ng Philipp Morris.

Ano kaya ang ginagawang aksyon ng PRO-Central Luzon sa mga nangyayaring insidente ng robbery/holdup??? Nagtatanong lang po...


VIEW COMMENTS
DISCLAIMER:

SunStar website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not necessarily reflect the views of the SunStar management and its affiliates. SunStar reserves the right to delete, reproduce or modify comments posted here without notice. Posts that are inappropriate will automatically be deleted.


Forum rules:

Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the discussion. Be coherent. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!

sunstar.com.ph