PAMPANGA

Sapnu: Mga e-trike naglipana sa City of San Fernando, problema?

DATELINE: Olivas



Parang kabuteng naglipana ang mga e-trike (electronic tricycle) sa City of San Fernando.

Hindi na yata mapigil ang pagdami ng mga e-trike na naglipana sa lungsod kaya naman ang resulta nagiging dahilan ito ng trapik sa Poblacion.

Maging sa kahabaan ng Mc Arthur highway mula sa Poblacion hanggang sa Barangay Sindalan naglipana na rin ang mga e-trike.

Gabiít araw bumabiyahe ang mga e-trike sa national highway na kung tutuusin ay bawal ito dumaan ang mga ito. At malimit ang mga e-trike ay nakikipag-karera pa sa mga passenger jeepney.

Walang pakialam ang mga drayber ng mga e-trike kahit na wala silang mga driverís license at di rin rehistrado umano ang mga ito.

Patuloy ang pamamasada ng mga e-trike kahit na walang driverís license ang mga drayber.

Sa palagay ko wala din mga Insurance ang mga ito kagaya ng mga behikulo na may TPL. Paano na kapag may mangyari sa kanila? Sino ang sasagot doon? Nagtatanong lang po.

Hanggang kailan pa ba natin pabayaan ang mga e-trike na pumasada sa kahabaan ng Mac Arthur highway at Jose Abad Santos Avenue (JASA). Nagtatanong lang po.

Hihintayin pa ba natin may mangyaring masama sa pumapasadang mga e-trike bago po tayo umaksyon? Nagtatanong lang po...

Tapos ang mangyayari kanya kanya ang turo turo ng sisi kung sino ang dapat sisihin.

Hindi naman po natin inaalisan ng hanapbuhay ang mga E-Trike drayber, dahil dapat lamang sa mga barangay at subdivision lamang sila maaaring pumasada.

Sino kaya ang nagbigay ng ìpermitî pumasada ang mga e-trike sa national highway? Nagtatanong lang po.

Nang tanungin ng Dateline ang Land Transportation Office ukol sa mga naglipanang e-trike, ang tugon nito ang City Government umanoíy ang maaaring makakapagbawal sa mga e-trike.

At kung bibigyan ang mga ito ng permit, sa loob lamang ng barangay at subdivision mamasada.

Huwag na natin hintayin may mangyari pa sa mga e-trike na pumapasada sa Mc Arthur highway at JASA. Umaksyon na po kayo.

At mga sumasakay dito, isipin ninyo ang kaligtasan ninyo sa pagsakay sa mga e-trike.


VIEW COMMENTS
DISCLAIMER:

SunStar website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not necessarily reflect the views of the SunStar management and its affiliates. SunStar reserves the right to delete, reproduce or modify comments posted here without notice. Posts that are inappropriate will automatically be deleted.


Forum rules:

Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the discussion. Be coherent. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!

sunstar.com.ph