SECTIONS
Monday, September 16, 2019
PAMPANGA

Sapnu: PD nag-reshuffle ano dahilan?

DATELINE: Olivas



NITONG nakaraang linggo isang malakihan reshuffle ang ginawa ni PD sa kanyang mga hepe.

Umaabot umano sa 80 porsiento ng mga hepe nito ang kanyang ne-reshuffle sa hindi pa malaman na dahilan, ayon sa isang police officer nakausap ng Dateline.

Sang-ayon sa police officer, biglaan umano ang ginawang pag-reshuffle ng nasabing PD (Provincial Director) kaya naman ang laki ng ikinagulat ng mga naapektuhan.

Karamihan sa mga hepe naapektuhan sa Regodon ng PD ay wala pang two-year term sa kanyang pagkakapuwesto.

Magaganda naman ang kanilang mga “accomplishments” simula sila’y naupo bilang chief of police, pahayag ng police officer.

Kung sa accomplishments lamang sa kampanya laban sa pinag-babawal na droga, hindi sila (mga hepe) nagpabaya sa kanilang trabaho dahil araw araw may mga huli sila na shab pusher of user.

Hindi rin masukat kung ilang gramo ng shabu ang kanilang nakukukumpiska, ayon sa police officer.

Wala din silang (mga hepe) naging palpak na trabaho simula nang sila’y naupo bilang chief of police.

Kasi ayon sa Police officer, kapag may palpak na trabaho ang hepe ay maaari itong masibak sa puwesto kahit wala pa itong dalawang taon ang kanyang termino.

Kaya naman nagtataka ang mga hepe kung bakit sila’y ne-reshuffle samantalang ginagawa nila ang kanilang trabaho.

Nang tanungin ng Dateline ang isang ranking police officer, mukhang walang “MERIT” ang ginawang reshuffle ni PD.

Sana raw pinag-aralan mabuti ni PD kung karapatdapat na masama sa reshuffle ang isang hepe kung maganda naman ang kanyang mga accomplishments.

Ano po ba ang batayan ninyo sa reshuffle? Nagtatanong lang po.


VIEW COMMENTS
DISCLAIMER:

SunStar website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not necessarily reflect the views of the SunStar management and its affiliates. SunStar reserves the right to delete, reproduce or modify comments posted here without notice. Posts that are inappropriate will automatically be deleted.


Forum rules:

Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the discussion. Be coherent. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!

sunstar.com.ph