PAMPANGA

Sapnu: Isang drug suspek, nakatakas sa escort na pulis?

DATELINE: Olivas

ISANG drug suspek ang nakatakas sa kanyang police escort habang binabagtas ang kahabaan ng MacArthur Highway sa Barangay San Isidro, City of San Fernando.

Nangyari ang nasabing pagtakas noong Lunes ng dakong alas-6 na gabi, batay sa police report na nakarating sa Camp Olivas.

Ang suspek na nakatakas ay kinilala ng pulisya na si Rommel Estabillo, 56, ng Balibago, Angeles City.

Pauwi na noon ang escorts sa Regional Police Drug Enforcement Unit-3 sa Camp Olivas pagkatapos ng inquest proceeding sa City Prosecutor's Office sa City of San Fernando nang mangyari ang di-umano'y pagtakas.

Ang police escorts ay nakilala na sina Capt. Michael Rey Bernardo at Corporal Edison Sebastian, na kaagad na isinalalim under restriction.

Ito'y "pending pre-charge investigation at inquest proceeding for infidelity in the custody of detention prisoner before the court," ayon sa police report.

Maging ang badges at issued firearms ay ni-recall ng PNP habang inimbestigahan ang mga ito sa nasabing insidente.

Isang manhunt operation naman ang isinasagawa ng RPDEU-3 laban kay Estabillo.

Mayroon na rin nangyaring pagtakas ng isang drug suspect sa Pampanga nguni't ito'y nahuli naman kaagad.

Paaano kaya nakatakas ang nasabing drug suspect sa dalawa nitong police escort?

Hindi ba nakaposas ang drug suspect nang ito'y tumakas? Nagtatanong lang po...


VIEW COMMENTS
DISCLAIMER:

SunStar website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not necessarily reflect the views of the SunStar management and its affiliates. SunStar reserves the right to delete, reproduce or modify comments posted here without notice. Posts that are inappropriate will automatically be deleted.


Forum rules:

Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the discussion. Be coherent. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!

sunstar.com.ph