PAMPANGA

Sapnu: Duterte orders closure sa lahat ng lotto outlet, STL at iba pa

DATELINE: Olivas



ILANG libong mga kababayan natin ang mawawalan ng trabaho dahil sa closure order ni Presidente Rodrigo Duterte sa lahat ng lotto outlet, small town lottery (STL) at iba pa.

Noong Sabado, Hulyo 27, 2019 ipinatigil, sinuspinde o dili kaya pinasara ang nasabing gaming outlets sa ilalim ng prangkisa ng Philippine Charity Sweepstake Office (PCSO).

Maraming mga kababayan natin ang nagulat sa biglaang closure order ni Duterte noong Sabado sa mga gaming outlet partikular ang lotto at STL nationwide.

Ang pinagtataka ng mga kababayan natin bakit naman biglaan ang ginawang hakbang ni Duterte at hindi binigyan ng ilang araw upang makapaghanda ang mga nagtatrabaho sa gaming outlet lalo na iyong mga kolektor ng STL.

Hindi lang ilang libo ang umaasa sa kita ng mga STL collector upang itaguyod ang kanilang mga pamilya.

Ilang mga mag-aaral ang mahihinto sa kanilang pag-aaral dahil mawawalan ng trabaho ang kanilang mga magulang na pawang STL collector.

Baka nga hindi na rin kumain ng tatlong beses sa isang araw ang mga pamilya ng mga STL collector dahil nahinto ang kanilang trabaho.

Maging ang mga nagtatrabaho sa mga lotto outlet ay nawalan ng trabaho dahil sa closure oder ni Duterte.

Paano na kaya ang mga collector ng STL na umaasa sa maliit na kita upang itaguyod ang kanilang pamilya? Nagtatanong lang po.

Sa nasabing closure order, wala naman maibigay na ibang trabaho si Duterte sa mga kababayan natin. Ano na ba ang mangyayari sa mga STL collector? Nagtatanong lang po.

Sa closure order, labis na naapektuhan ang mga STL collector.

Sana hindi gagawa ng ilegal ang mga STL collector na nawalan ng kita o trabaho.

Maliit na nga kinikita nila (STL) sila pa ang labis na naapektuhan. Paano na kaya sila ngayon? Nagtatanong lang po.


VIEW COMMENTS
DISCLAIMER:

SunStar website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not necessarily reflect the views of the SunStar management and its affiliates. SunStar reserves the right to delete, reproduce or modify comments posted here without notice. Posts that are inappropriate will automatically be deleted.


Forum rules:

Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the discussion. Be coherent. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!

sunstar.com.ph